Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Tirador ng scaffolding nasakote sa Malabon

ARESTADO ang tatlo katao kabilang ang isang menor de edad matapos tangayin ang isang set ng scaffolding sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Raul Hillario, 26 anyos, John Edward Zacarias, 18 anyos, kapwa  residente sa Fishpond Maypajo, Sawata Area 1 D.D Caloocan City at ang menor de edad.

Sa report nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon City chief of police (COP) Col. Albert Barot, dakong 1:00 pm nang tangayin ng mga suspek ang isang set ng scaffolding na nagka­kahalaga ng P11,000 at pagmamay-ari ni Sherly Solana, 37 anyos, sa isang bakanteng lote sa bahay ng biktima sa #57 N. Vicencio St., Brgy. Niugan.

Matapos ito, pumara ang mga suspek ng tricycle at isinakay ang tinangay nilang items ngunit nang papatakas na sila ay napansin sila ng biktima na agad humingi ng tulong sa mga bara­ngay tanod ng Niugan.

Sa follow-up operation ng mga barangay tanod sa tulong ng Malabon Police Sub-Station 4, naaresto ang mga suspek at nabawi ang tinangay nilang isang set ng scaffolding.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …