Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boobsie Wonderland, Mary Jane Vallero, Magpakailanman MPK
Boobsie Wonderland, Mary Jane Vallero, Magpakailanman MPK

Boobsie likas ang pagiging madiskarte

Rated R
ni Rommel Gonzales

BATA pa lang ay madiskarte na si Boobsie. At dahil talented, nakapagtrabaho na siya sa ibang bansa bilang entertainer. Dito niya nakilala si Lito, nagsimula sila bilang live-in partner hanggang sa makalipas ang halos siyam na taon at doon na nila naisipang magpakasal.

Unti-unti rin nakilala si Boobsie na nagsimula sa screen name na Jane B hanggang sa naging Boobsie Wonderland. Ngunit ang mala- fairytale niyang buhay ay ‘di kompleto kung puro saya lang ang kanyang mararamdaman. Kaya sa pagdaan ng panahon ay sinubukan din ang kanyang katatagan hindi lang bilang komedyante, kundi bilang isang anak, ina, at asawa.

Tunghayan sa Sabado ang nakakikilig at nakatutuwang kuwento ni Boobsie na pagbibidahan din niya kasama sina Ms. Elizabeth Oropesa, Jay Manalo, Jong Cuenco, Cai Cortez, Tonet Guaio, Kenken Nuyad, Joanna Marie Tan, Prince Clemente, at Makee Dulalia.

Ang episode na Fat and Furious – Ako si Boobsie Feeling Sexy: The Mary Jane Vallero story ay idinirehe ni Rechie Del Carmen, isinulat ni Senedy Que, at sinaliksik ni Angel Launo. Mapapanood ito sa Sabado, sa Magpakailanman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …