Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jao Mapa, Rhen Escaño, Paraluman
Jao Mapa, Rhen Escaño, Paraluman

Jao Mapa, bida na ulit sa pelikulang Paraluman

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ni Jao Mapa.

Kahit kasagsagan ng pandemic, dinadagsa ng proyekto ang former Gwapings member. Bukod sa pagkakaroon ng sitcom at TV guestings, hataw din siya sa pelikula.

Actually, katatapos lang gawin ni Jao ang pelikulang Paraluman. Ito ang masasabing biggest project niya so far mula nang naging active ulit siya sa showbiz. Dito kasi ay nagbalik sa estadong lead actor o bida si Jao.

Tampok sa pelikulang handog ng Viva Films at Mesh Lab si Rhen Escaño. Kasama rin sa movie sina Gwen Garci, Melvin Lee, Angie Cantero Castrence, at Raul Morit. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Yam Laranas.

Si Jao ay napasabak sa erotic-drama-love story na tema ng istorya sa pelikulang ito.

Ano ang role niya sa pelikulang Paraluman?Tugon ng aktor, “I play Peter, whose fiance is Giselle, played by Gwen Garci. I get into an affair with Mia, Rhen’s character.”

Itinuturing ni Jao na blessings ito sa kanya na muli siyang nakabalik sa pagiging bida sa pelikula.

Masayang pahayag ng aktor, “Blessings kuya, kaliwa’t kanan na nabiyayaan ng Panginoon nang limpak-limpak na blessings.

“It was nanay Jun Rufino who convinced me into this film, she said this would be my come back film.”

Ayaw sabihin ni Jao kung magpa-sexy ba siya sa pelikulang ito o sumabak sa daring scene. Ito lang ang naging tugon niya sa aming pag-uusia.

Esplika ng aktor, “Well, ang masasabi ko lang, yung karakter ko ay natukso kay Mia, pero si Peter pa ang nagpupumiglas at nagsasabi na mali lahat ng ginagawa nila.”

Pahabol na dagdag pa ni Jao, “Iyong sa amin ni Rhen na movie ay tapos na, currently at the final phase na ito. Bale, sometime September ang release ng pelikula, only at Viva Max.”

Pinuri rin ni Jao ang Paraluman ng kanilang pelikula.

Saad niya hinggil kay Rhen, “Mabait na bata si Rhen, very professional and very dedicated, very sensitive actress.

“I saw Rhen as a caliber actress, knows when to play hard professionally. I’m surprised how she handles herself on screen. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon, nakakagulat talaga.”

Napanood na ba niya ang movie? “No I havent, were still in the dubbing process.

Pero yung trailer, nang nakita ko, ‘wow, ganda!’ Can’t wait to see the rest of it.”

Bukod sa pelikulang Paraluman, mapapanood din very soon si Jao sa historical movie na Balangiga 1901Ito ay tinatampukan nina Ejay Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Rob Sy, Jeffrey Santos, Ramon Christopher, Emilio Garcia, at iba pa.

Nabanggit din ni Jao na ang next na gagawin niyang pelikula ay ang Mohammed na ang simula ng shooting ay very soon.

Bukod kay Jao, tampok dito sina Emilio Garcia, Ramon Christopher, Richard Quan, Jeffrey Santos, Rob Sy, Mickey Ferriols, Jana Victoria, Bugoy Cariño, at iba pa. Ito’y pamamahalaan ni Direk Errol Ropero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …