Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Althea Ablan
Althea Ablan

Althea dasal ang sagot sa anxiety

Rated R
ni Rommel Gonzales

TINANONG namin si Althea Ablan kung ano ang isang bagay na pinakanami-miss niyang gawin na hindi niya magawa ngayon dahil sa pandemya?

“Ang freedom to explore without any cover sa ating face, without mask and face shield,”  simpleng sagot ni Althea.

At dahil nga sa pangit na sitwasyon dahil sa COVID-19, tinanong din nain si Althea kung nakaranas o nakararanas ba siya ng anxiety o depression ngayong panahon ng pandemya?  Paano niya ito hinaharap?

“Opo, hindi natin maiiwasan ‘yan lalo na sa panahon natin ngayon na ang dami talaga nating iniisip. 

“What I do whenever I experience anxiety is to talk to God and give time for myself like doing household chores, fixing my stuff, watching movies, or listening to music which will help me not to think too much.

“Para naka-focus lang ako sa bagay na ginagawa ko. 

“Hindi madali kapag inatake tayo ng anxiety or depression but always remember na nandiyan si God sa tabi natin kaya kapag nakararanas tayo ng ganito, kausapin lang natin si God.”

Ano ang maipapayo ni Althea sa mga millennial para kayanin ang buhay sa gitna ng pandemya?

“Let’s look on the positive side, maybe kaya ito nangyari para mayroon tayong ma-realize na ibang bagay.

“Madami akong natututunan during this pandemic tulad ng pag-appreciate ng small things. Hindi ba ngayon limited na ‘yung actions natin unlike before and it shows na kung paano nag-e-effort ‘yung tao para lang maipa-feel sa atin ‘yung love or happiness kahit ganito ‘yung pinagdaraanan natin.”

Mapapanood muli si Althea sa book 2 ng Prima Donnas soon, sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …