Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Drug den sa Angeles sinalakay, 8 adik tiklo

ARESTADO ang walong personalidad na sangkot sa droga kabilang ang isang menor-de-edad matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng gabi, 6 Agosto.

Sa ulat mula kay PDEA Central Luzon Chief, Director III Bryan Babang, ikinasa ang operasyon ng mga ahente ng PDEA Pampanga Provincial Office sa 6 St., Villa Riles, Brgy. Balibago, sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jeffrey Segarino, 23 anyos; Byron Ruiz, 23 anyos; Renzel Santos, 26 anyos; Angelo Villanueva, 38 anyos; Diana Villanueva, 29 anyos; Francis Manalo, 18 anyos; Efren Gapal, 56 anyos; at isang menor-de-edad na babae na isinuko sa City Social Welfare Development Office.

Nakompiska mula sa mga suspek ang pitong piraso ng selyadong pakete na nag­lalaman ng 20 gramo ng hinihi­nalang shabu na tinatayang nagka­kahalaga ng P136,000; sari-saring drug paraphernalia; at buybust money.

Ayon kay Babang, isina­gawa ng PDEA ang operasyon batay sa mga impor­masyon na ibinigay sa kanila ng ilang mamamayan sa lugar.

Nahahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *