Rated R
ni Rommel Gonzales
“Mas maraming mga importanteng bagay kaysa lovelife, oh my gosh,” bulalas ni Arci Muñoz.
Kahit bagay sila ng kaibigang si Renan Ponce Pascual-Morales (na Chairman ng Bespren ng Bayan Foundation) dahil maganda si Arci at guwapo si Renan, bespren lamang ang turingan at tawagan nila.
“Ikinukuwento ko nga sa kanya, may gusto ako pero it’s complicated but, I mean I don’t wanna complicate it even more. So I took it as a sign, you know, to focus on more important things.
“And I don’t really need a distraction as of the moment.”
Ayaw muna ni Arci na umibig sa ngayon.
“Masaya ako.”
Kailan ba siya huling nain-love?
“Hindi ko na nga maalala eh,” at tumawa ang magandang aktres. ”I’ve got my seven boys,” patungkol ni Arci sa pitong miyembro ng paborito niyang boy group mula sa South Korea, ang sikat na sikat na BTS.
“I enjoy being a fangirl also,” at muli siyang tumawa. ”So okay na muna ako roon ngayon, masayang-masaya ako sa pagiging fangirl.”
Paano kung ligawan siya ni Renan? ”Hindi yan!”
Aktibo si Arci sa pagtulong sa adbokasiya ni Renan. Bukod dito, isa ring Army reservist si Arci at ambassador pa ng kampanya ng Department of Interior and Local Government na Disiplina Muna.
Kaya naitanong namin sa dalaga, dahil mahilig siyang tumulong sa mga tao, hindi ba niya naisip na pasukin na rin ang public service sa pamamagitan ng pagtakbo sa politika?
“Right now I just really wanna focus on what’s already on my plate which is dong my job and my responsibility. And if it’s not enough, then we’ll see.
“I really don’t know.”
Hindi naman niya isinasara ang pintuan ng pagkakataon.
“Okay na muna ako sa pagiging Air Force Reservist ko. I am just really grateful sa ibinigay sa akin na purpose as of the moment.
“I really wanna focus on that now.”
BESPREN RENAN WALANG KILIG KAY ARCI
SPEAKING of Renan Ponce Pascual-Morales at ang kanyang Bespren Ng Bayan Foundation, bukod sa pamimigay ng pera sa mga magpapabakuna laban sa COVID-19, tumutulong din ang kanyang grupo sa mga rape victim, mga may substance disorder, alcoholics, internet addicts, drug addicts, at mga taong may mental health problems.
“We don’t call it mental illness anymore, mga mentally challenged na individuals, mga family member, friends, at ‘yung ating mga kababayan, we call that more on the substance use disorder or concurring disease.
“Medyo na-hybrid ko po ang aking foundation kasi growing up, sa paglaki ko, na-experience ko rin ang mahirap na buhay, from growing up in the streets, so on and so forth, sa mahirap talagang kalagayan.”
Naranasan niya noon ang magbenta ng sampagita sa kalye at maging batang-kalye.
“So ang puso ko talaga sa mga streetchildren.
“Single po ako, yes po,” ang sagot ni Renan.
Hindi siya nagtanong kung puwede niyang ligawan si Arci? ”Parang hirap naman po para sa posisyon ko para sabihin ito, kasi ang purpose ko ang number one, it will be a little bit unethical on my side kasi siyempre may priorities nga po kami and kung iyon ang pag-uusapan , made-defocus talaga kami and for whatever it is, kung anuman ‘yun, masarap kasi pag-usapan ‘yung purpose eh.
“Sabi ko nga sa kanya, ‘Bes, yung pagtulong ang pinag-uusapan, mas kinikilig ako roon kaysa nakikita ko siya.”
Wala pala siyang kilig kay Arci? ”Siyempre ‘pag nakikita ko siya, siyempre hindi maiiwasan, kasi ang ganda naman niya talaga.”
Ang tinutukoy ni Renan na purpose ay ang proyekto ng Bespren ng Bayan Foundation na ang adbokasiya ay hikayatin ang lahat na magpabakuna laban sa COVID-19.