MA at PA
ni Rommel Placente
MAGING ang pag-awit ni Morissette Amon ng Lupang Hinirang sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pinalampas ng mga netizen.
Napansin agad ng mga ito ang mabilis na tempo ng pag-awit ni Morissette, na sumabay sa tugtog ng Philharmonic Orchestra.
Pinuna rin ng mga ito ang pagkahuli ng pasok ng singer na hindi nabanggit ang unang salitang ‘Bayang’.
Ayon sa Twitter user na si @bcosisayso, ”May lakad ata si Madam Morissette.”
Sambit naman ng isa, atat na atat umano ito.
Pagkuwestiyon ng isa pang netizen, ”sino ang humahabol kay ate girl? Why was the national anthem hella rushed?!! Sana term din ni Duterte tapusin na agad-agad.”
Gayunman, marami pa rin ang pumuri kay Morissette dahil hindi ito bumirit at sinunod ang tamang pagkanta ng Lupang Hinirang.