Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabbi Garcia Bianca Umali  Sanya Lopez Rabiya Mateo
Gabbi Garcia Bianca Umali  Sanya Lopez Rabiya Mateo

Sanya at Rabiya nagkita (Pagsali sa beauty pageant posible)

Rated R
ni Rommel Gonzales

NAKITANG magkakasama nitong July 20 ang Kapuso actresses na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali at Miss Universe 2020 Rabiya Mateo sa isang private dinner.

Makikitang masayang nagkukuwentuhan sina Sanya, Gabbi, at Bianca habang kumakain at nagpakuha rin ng litrato ang mga ito kasama si Rabiya.

Nakasuot ng gray na dress si Sanya, all black naman si Gabbi, at naka-immaculate white si Bianca, habang naka-green gown si Rabiya.

Nagpakuha rin ng photos sina Sanya at Rabiya habang hawak-hawak ang bewang ng isa’t isa.

Naging usap-usapan noong Hunyo ang posibleng pagsali ni Sanya sa Miss Universe na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na mismo ang nag-alok sa kanya para sanayin kung sakaling gustuhing sumali sa nasabing beauty pageant.

Nagsimula ito nang mag-trending sa social media ang bikini scene ni Sanya sa First Yaya na marami ang humanga sa “jaw-dropping beach body” ng aktres. Dahil sa angking ganda at kaseksihan, hinikayat siya ng kanyang mga tagahanga na sumali sa Miss Universe.

May dapat kaya tayong abangan sa pagkikitang ito nina Sanya at Rabiya?

Samantala, mapapanood si Bianca sa GMA upcoming series na Legal Wives bilang si Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael na gagampanan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …