SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad sa iba’t ibang mga lugar sa lalawigan ng Bulacan ang anim na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa mga ikinasang anti-illegal drug operations nitong Miyerkoles, 28 Hulyo.
Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, nadakip ang anim na mangangalakal ng droga sa serye ng mga drug sting na isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta Maria, Calumpit, at Plaridel MPS, at Meycauayan CPS.
Kinilala ang arestadong suspek na sina Charito Santiago alyas Che, ng Brgy. Libtong, Meycauayan; Alaneia Santos, alyas Lea, ng Brgy. Lambakin, Marilao; Jordan Yasay, alyas Duck, ng Brgy. Lumang Bayan, Plaridel; Markson Luciano alyas Mark, ng Brgy. Parada, Sta. Maria; pawang mga nasa drug watchlist; Christian Gayola at Ricardo Calaguas, kapwa residente sa Brgy. Lourdes Northwest, Angeles, Pampanga, na bumibiyahe pa sa Bulacan para mag-supply ng shabu sa drug users.
Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang 16 selyadong pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money na dinala sa Bulacan Crime Laboratory Office para sa pagsusuri. (MICKA BAUTISTA)