Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Ivy, super-idol si Eula Valdez

MASAYA si Ms Ivy sa kanyang career sa showbiz. Taong 2018 nang sinubukan niya ang pag-arte sa harap ng camera at mula roon ay nagtuloy-tuloy na ito.

Saad niya, “Three years ago po, ‘yung isang friend ko na freelancer na manlalabas ipinakilala po ako kay Mami Louie, isang talent coordinator, doon po ako nagsimula sa kanya sa Magpakailanman. Ang una kong nakaeksena ay si Snooky Serna at pagkatapos po, naging sunod-sunod na po ang projects ko like naging teacher po ako sa FPJ’s Ang Probinsyano, as my second project po.”

Ano ang pinaka-memorable na project niya?

Esplika ni Ms. Ivy, “Pinaka-memorable na project ko is yung FPJ’s Ang Probinsyano, kasi baguhan pa lang po ako noon at wala pang kaalam-alam sa pagda-dialogue.

“Take note po, pangalawang beses ko lang na maglilinya at hindi pa po ako noon nag-aaral sa teatro. Pero sobrang naging achievement ko ang role ko na ‘yun as teacher na nag-eulogy, kasi nagampanan ko ang role na ‘yun nang maganda at maipagmamalaki talaga ng nakakikilala sa akin sa haba ng linya ko.”

Nabanggit din niyang super-idol niya si Eula Valdez.

“Ang iniidolo ko pong artista ay si Eula Valdez, kasi I find her so natural talaga sa actingan. Nasubaybayan ko po ‘yung character niya as Amor Powers sa Pangako Sa ‘Yo. And it’s a dream come true po dahil naka-eksena ko siya nang twice, in Maalaala Mo Kaya bilang registrar at sa Love Thy Woman, bilang private lawyer niya.”

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career? “Sana tuloy-tuloy lang ang projects at magkaroon sooner or later ng movie na bida talaga.”

Kaninong artista siya kinabahan at na-excite nang husto? “Kay Eula po, kasi sobrang idol ko siya at kinikilig po ako nang nagkausap po kami sa tent habang naghihintay kami ng aming salang,” aniya pa.

Si Ms. Ivy ay tubong Cebu, graduate siya ng Bachelor of Science in Airline Management at six years nang nagtatrabaho sa Cebu Pacific as Reservations Officer.

ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …