Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rider patay sa hit and run (Truck driver arestado)

SA MAAGAP na pagresponde ng pulisya gayondin sa tulong ng CCTV footage at testigo, naaresto ang isang truck driver na responsable sa pagkamatay ng isang motorcycle rider sa Cagayan Valley Road, Brgy. Anyatam, sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng umaga, 21 Hulyo.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Carl Omar Fiel, hepe ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS), kinilala ang arestadong suspek na si Vandal Marquez, residente sa Brgy. Mangino, lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija.

Nabatid na minamaneho ni Marquez ang isang Isuzu trailer truck, may tractor head plate no. AFA-7913 na sinasabing suspek sa pagkamatay ni Jospher Cuevas ng Brgy. Makapilapil, sa nabanggit na bayan.

Batay sa imbestigasyon, aksidenteng dumulas ang motorsiklong minamaneho ni Cuevas pababa nang mag-overtake sa kanang bahagi ng lansangan na naging sanhi ng pagkahulog nito sa sementadong kalsada hanggang magulungan ng trailer truck ang ulo ng biktima na kanyang ikinamataysamantala ang angkas niya ay bahagyang nasugatan.

Imbes huminto, sumibat ang trailer truck papuntang norte kaya agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng San Ildefonso MPS.

Sa tulong ng kuha ng CCTV at testigo, agad naaresto ang suspek sa loob ng kanilang garahe sa Brgy. Castellano, bayan ng San Leonardo, lalawigan ng Nueva Ecija. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …