Wednesday , December 11 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Septuagenarians Ping & Tito ‘sisingit’ sa bakbakang 2022 polls (Nagparamdam na)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

HINDI pa rin nalilimot ng dalawang senador — sina kasalukuyang Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Panfilo “Ping” Lacson — ang kanilang mga pangarap na masungkit ang pinakamataas na posisyong politikal sa bansa.

Kaya nitong mga nakaraang araw ay nagdeklara silang matatanders ‘este magta-tandem bilang presidential & vice-presidential wannabes sa May 2022 elections. Nakatakda umano nilang ipakilala ang kanilang line-up sa 4 Agosto 2021.

So, asahan natin na lulutang ang coined word para sa kanilang mga pangalan o apelyido gaya ng Ping-Tito, Lacson-Sotto, puwede rin Pi-Sott, Lac-Sott, o kaya ay Lac-To.

Palagay natin hindi nila pipiliin ang huli, masama ang dating — Lac-To, katunog ng ‘tulak’ kapag binaliktad.

Baka mabuhay ang mga isyu o black propaganda  na iniugnay sila sa ilegal na droga.

                Puwede na nating sabihing huling biyahe, ang pagnanasa nina senators Lacson at Sotto na masungkit ang pagiging presidente at bise-presidente. Kung sakali kasing manalo sila, ilang taon na lang ay 80 anyos na sila, pagkatapos ng terminong anim na taon.

                Palagay natin,e magreretiro na sila sa edad nilang ‘yan. Maliban, kung idol nila si Senator Juan Ponce Enrile. Hik hik hik…

                Kaya kung titingnan natin, mukhang ang magiging labanan ngayon sa matataas na puwesto ay labanan ng mga bata-batang politiko na mahilig manuntok, at mga beteranong politiko na parang ayaw nang magpahinga sa buhay politika.

                Sa mga bata-batang politiko, nariyan si Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao, Davao Mayor Sara Zimmerman Duterte-Carpio, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at Vice President Maria Leonora “Leni” Gerona Robredo.

                Tunay na boksingero si Senator Manny. Katunayan siya ay nasa mahigpit na training sa kasalukuyan para sa laban niya kay Errol Spence, Jr.

                Si Mayor Sara naman ay magugunitang ‘nanuntok’ ng sheriff dahil hindi nakipag-ugnayan sa kanya nang wasakin ang bahay ng kanyang constituents na umapelang itigil ang demolisyon.

                Walang rekord ng panununtok si Mayor Isko, pero wala rin naman tayong nabalitaan na umatras siya sa suntukan.

                Mukhang wala naman sa tipo ni VP Leni ang makipagsuntukan, pero hindi natin alam kung may rekord na ba siya ng pakikipagsabunutan. Palagay natin ay wala, dahil napaka-demure, disenteng kumilos, at magsalita, ang biyuda ni ex-DILG chief Jess Robredo.

                Habang ang senior citizen na sasabak sa presidential election ay tanging si Senator Ping lamang, at ang kanyang tandem na si Sen. Tito.

                Mayroon nga pala tayong tanong kay Senator Ping. Hindi na kaya maulit ang kasaysayan ni Fernando Poe, Jr., (FPJ) kay Tito Sen?! Hindi na kaya niya iwanan sa ere ang tandem na si Senator Tito?!

                Isang  mabigat na isyu ‘yan na posibleng maging ‘lamat’ sa kanilang line-up o partido.

                At sa palagay natin, ‘yan ang dapat nating bantayan, lalo na ni Senator TitoSen!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *