Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enchong Dee
Enchong Dee

Enchong nagtayo ng academy bilang suporta sa ABS-CBN

MA at PA
ni Rommel Placente

UMAASA at ipinagdarasal ni Enchong Dee na darating ang araw na mabibigyan pa rin ng prangkisa ang ABS-CBN 2, ang kanyang home network.

“I’m very hopeful that, that day will come sooner than later. But as it is, katulad nga noong kausap namin sina Tita Cory (Vidanes-executive ng ABS-CBN) at Sir Carlo (Katigbak-President ng ABS-CBN), sabi namin, habang nandito tayo sa sitwasyon na ito, hayaan ninyo kami na tumulong, makapag-contribute kahit paano.

“That’s why, we have this music school, ‘yung Academy of Rock, (isa si Enchong sa may-ari nito) na malapit lang sa ABS-CBN. They can use our facility, ‘di ba? Siguro, more than anything else, ‘yung pakikibaka rin sa lahat ng kasama namin (sa ABS-CBN),” sabi ni Enchong nang makausap namin sa presscon ng Academy of Rock.

Very emotional si Enchong habang nagsasalita. Halata sa boses niya na apektado siya sa pagsasara ng Kapamilya Network. Mahal naman kasi niya ito, dahil dito siya nagsimula, at ito ang dahilan kung bakit sumikat at yumaman siya. 

“Hindi mo naman maiaalis, eh. Kumbaga, nandoon na ‘yung marka, nandoon na ‘yung iniwan nila sa atin last year. So, ang question lang doon, saan mo gustong dalhin? Kami, ako, personally, I chose to make use of it, in a most productive way, which is building a business, to open more opportunities to other people,” aniya pa sa pagiging emotional niya.

Inusisa namin si Enchong kung nagsabi ba sa kanya si Bea Alonzo o kinonsulta muna siya nito sa naging desisyon na lumipat sa GMA 7 dahil mag-best friend sila.

Aniya, hindi nagsabi sa kanya si Bea.

“Never kasi naging aspeto ‘yung pagiging magkaibigan namin. That’s why bilang kaibigan, you just have to be there to support her. Bawat isang artista, may kanya-kanyang karera. Sa sarili ko pa lang, pagod na pagod na ako, so hindi ko na yata maaasikaso ‘yung karera niya.”

Gayunman, nirerespeto ni Enchong ang naging desisyon ni Bea na lumipat sa Kapuso Network.

“The best thing is to support each and every one. Everyone has their own reasons. Hindi talaga niya naikuwento.”

Sa tanong kung nagulat siya sa paglipat ni Bea sa Siete, ang sagot ni Enchong, ”A little bit. I must say.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …