PATULOY ang pagsuporta ng Ayala Land Inc. (ALI) sa Hero Foundation ng P2.5 million annual donation at ng karagdagang 600 doses ng CoVid-19 vaccine para sa 300 scholars nito. Ito ay mula sa Alagang Ayala Land at sa pagtugon ng ALI sa kilusang #BrigadangAyala.
Ang financial donation ay pinapamahagi sa mga scholar bilang tuition fee assistance o ayuda sa pagbili ng libro at ibang gamit sa pag-aaral.
Nagbibigay rin and ALI ng internship at employment opportunities sa mga qualified scholar. Mayroon din donation boxes sa Ayala Malls nationwide na humihikayat sa publiko na makipagtulungan.
Isa sa mga scholar ng Hero Foundation si Rothlie Khy Vidal. Tatlong taong gulang pa lang si Rothlie nang mamatay ang kanyang amang si Sgt. Rolly P. Vidal sa gitna ng laban.
Sa pagkalinga ng foundation, nakapagtapos si Rothlie ng BS Nursing sa Saint Paul University Dumaguete noong 2019, at ngayon, isa na siyang medical frontliner.
Mayroon nang 2,702 orphan scholars na natulungan ang foundation mula 1988 sa tulong ng corporate at individual donors mula sa pribadong sector.
“We hope to make a difference in the lives of the children of our soldiers through HERO Foundation, and will strive to further contribute to its mission of providing scholars with educational support as well as job opportunities when they graduate from school,” ani ALI President and CEO Bernard Vincent O. Dy.
Ang Alagang Ayala Land ay isang malawakang community program na naglalayong suportahan ang samot-saring CoVid-19 response efforts at disaster preparedness programs. Nagbibigay ito ng alalay na pangkabuhayan para sa mga social enterprise.
Nakikipagtulungan sa local government para maisagawa nang maayos ang mga vaccination program ng bansa.
Sa katunayan ay nagtalaga ng mga vaccination center ang ALI sa 10 sites — kabilang ang Ayala Malls Manila Bay, Circuit Makati, South Park Center — kasama ang CoVid-19 Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH), upang mas mapadali ang pagbabakuna sa publiko.
Ang #BrigadangAyala ay ang sama-samang pagtugon ng mga kompanya ng Ayala Group sa pagpapahayag sa halos dalawang siglong commitment sa national development sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng social development at corporate social responsibility initiatives – mula disaster relief and response, public education assistance, championing of social enterprises, public health advocacy, atbp.