TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman
NOONG Sabado, tinanggal si Manny Paquiao sa PDP-Laban. Pakana ito ni Alfonso Cusi na nagtayo ng isang ‘breakaway’ na grupo ng mga kasapi ng partido politikal.
Ang matindi, dawit sa pagpapatalsik kay Paquiao si Koko Pimentel, anak ni Nene Pimentel, isa sa mga nagtatag ng partido noong 1982. Itinatag ang PDP-Laban upang labanan ang diktadura ni Ferdinand Marcos.
Sa miting noong Sabado, hinirang si Karlo Nograles bilang executive vice-chair na pumalit kay Koko Pimentel. Pumalit si Cusi kay Pacquiao bilang pangulo ng partido at si Rodrigo Duterte ang party chair. Hindi tinanggap ni Pimentel ang desisyon ng miting na tinagurian niyang ilegal. Matunog na sampal ang ‘takeover’ ng grupo ni Duterte sa PDP-Laban sa pisngi ng partidong naugnay sa oposisyon. Maihahambing ito sa pag-ihi sa mukha ni Nene at lahat ng kanyang ipinaglaban.
Iginiit ni Koko na ilegal at hindi niya ito kinikilala.
Ani Koko: “The gathering hosted by Secretary Cusi is not recognized by the existing PDP-Laban leadership. As far as the present PDP-Laban leadership is concerned we will continue to function as the party.”
Tahasan ang suporta ni Koko kay Manny bilang pangulo ng PDP-Laban. Tahasan ang suporta ni Koko kay Duterte, kahit minaliit siya at isinisi sa kanya ang pagbagsak ng partido.
Ani Duterte: “May I just remind Koko that this party, PDP, was asleep for a hundred years. It only woke up during the election when I ran for the presidency under the ticket.”
Sa mundo ng politika laganap ang ahasan, at isa na ito sa matinding halimbawa. Dahil sa kasaysayan ng politika, ‘eka nga ng kaklase ko “besides being a numbers game, politics involves a lot of wheeling and dealing.”
At sa kasaysayan ng politika, saan man lupalop ng mundo, isa lang ang tiyak dito, at ito ay binanggit ni Otto Von Bismarck, ang unang chancellor ng Alemanya: “In politics there are no permanent enemies, only permanent interests.”
Sa aking sapantaha, marami tayong masasaksihan na ahasan sa lungga ng mga ulupong sa politika. Kaya kaiingat tayo nang hindi matuklaw.
***
ANG pabula o “fable”” sa Ingles ay isang istorya o kathang salaysay na may kapupulutang aral. Ang Griyegong Aesop ay tanyag sa uri ng kuwentong ito. Narito ang isang “fable” o pabula sa wikang Ingles na sana’y pulutan natin ng aral:
DON’T ARGUE WITH DONKEYS (Fable)
The donkey said to the tiger:
“The grass is blue.”
The tiger replied:
“No, the grass is green.”
The discussion heated up, and the two decided to submit to arbitration and for this, they went before the lion, the King of the Jungle.
Already before reaching the forest clearing, where the lion was sitting on his throne, the donkey began to shout: “His Highness, is it true that the grass is blue?”
The lion replied:
“True, the grass is blue.”
The donkey hurried and said:
“The tiger disagrees with me and contradicts and annoys me, please punish him.”
The king then declared:
“The tiger will be punished with 5 years of silence.”
The donkey jumped cheerfully and went on his way, content and repeating:
“The grass is blue…”
The tiger accepted his punishment, but before, he asked the lion:
“Your Majesty, why have you punished me? After all, the grass is green.”
The lion replied:
“In fact, the grass is green.”
The tiger asked:
“So why are you punishing me?”
The lion replied:
“That has nothing to do with the question of whether the grass is blue or green. The punishment is because it is not possible for a brave and intelligent creature like you to waste time arguing with a donkey, and on top of that come and bother me with that question.”
The worst waste of time is arguing with the fool and fanatic who does not care about truth or reality, but only the victory of his beliefs and illusions. Never waste time on arguments that don’t make sense.
There are people, who, no matter how much evidence and evidence we present to them, are not in the capacity to understand, and others are blinded by ego, hatred and resentment, and all they want is to be right even if they are not.
When ignorance screams, intelligence is silent. Your peace and quiet are worth more.
Tunay na mas makabuluhan ang katahimikan ng matino kaysa ingay ng hangal at walang saysay.