Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tonz Are Jao Mapa
Tonz Are Jao Mapa

Tonz Are, bilib sa husay at professionalism ni Jao Mapa

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PROUD ang mahusay at award-winning indie actor na si Tonz Are sa pelikulang Balangiga 1901 na hatid ng JF Film Production ni Ms. Jarrimine Fortuna. 

Tampok sa pelikula sina Ejay Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Jao Mapa, Mark Neumann, Lala Vinzon, Emilio Garcia, Ricardo Cepeda, Ramon Christopher, Jeffrey Santos, Rob Sy, at iba pa, sa panulat at direksiyon ni Danny Marquez.

Aniya, “Sobrang thankful and proud po ako and blessed, kasi sobrang ganda ng story and ang daming aral po talaga na mapupulot, lalo sa henerasyon ngayon.

“Ang Balangiga 1901 na film, very interesting at historical film ito, dapat abangan ng mga kababayan natin, kasi rito ay malalaman natin ‘yong mga hindi pa natin alam about sa Balangiga… Like kung paano ipinagtanggol ng mga Filipino laban sa mga Amerikano ang ating bayan.

“Ang mga kasama ko rito ay mga veterans actors and actresses.”

Dagdag ni Tonz, “Thankful din ako kay direk Danny na nagtiwala siya sa akin sa pelikulang ito.”

Nabanggit din ni Tonz ang pagkabilib niya kay Jao.

“Thankful ako kasi Jao Mapa siya, kaeksena ko… kasi napapanood ko lang siya noon, tapos now kaeksena ko na. Sobrang sarap kasama si Kuya Jao, kasi gina-guide niya po talaga ako na, ‘Ganito ang gawin natin Tonz, ganito-ganyan, dapat may eye contact tayo.’ Ang galing niya, sobrang saludo ako sa husay ni Kuya Jao.

“Tandem kasi kami rito lagi, kasi preso kami. Kahit mata lang ang acting namin ni kuya Jao rito, intense ang mga scene namin. Plus, napakabait and professional niya katrabaho and ang gaan kaeksena. Cool na cool siya,” masayang kuwento pa sa amin ni Tonz.

Happy din si Tonz sa patuloy na pagdating sa kanya ng mga blessing.

“Thankful din po ako this year, bukod kasi sa kaliwa’t kanang projects and endorsements, muli na naman akong ginawaran ng parangal last May 31, 2021 sa 4th Asia Pacific Luminare Awards. Dito ay kinilala akong Most Promising Indie Actor of the Millennium. Bukod diyan, may award po ulit ako na mula sa Gintong Parangal naman na gaganapin sa August 20, 2021. Dito’y kinilala ako bilang Multi-Faceted and Multi-Awarded Indie Actor of the Year.

“Abangan din po nila ang muling pag-ahon ni Balud na maybe September or October ay umpisa na kaming mag-shoot. Bale, film ito na connected sa movie kong Rendezvous na gumanap ako bilang isang merman o siyokoy,” sambit ni Tonz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …