Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ron Macapagal Romm Burlat
Ron Macapagal Romm Burlat

Ron Macapagal, sa music career muna ang focus

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ng BidaMan finalist na si Ron Macapagal, sa kanyang music career muna ang focus niya ngayon. Although aktibo pa rin siya sa pag-arte sa pelikula, aminado si Ron na bata pa lang ay hilig na talaga niya ang pagkanta. 

Ngayong 2021 ay nag-release ng dalawang single niya si Ron. Ang una ay pinamagatang Bakit Di Pagbigyan mula PolyEast Records. Ito ay sinundan niya ng Lilim.

“Ang first single ko, talks about letting go of past heartbreaks and moving forward. Ang second naman which is Lilim, is about that one person that makes you feel loved whenever you’re with that person,” esplika niya.

Wika i Ron, “Naka-focus po ako ngayon sa aking music career and willing naman po if mayroon din pong opportunities na darating.”

Ano ang kanyang priority, singing or acting?

Tugon niya, “Since bata pa ako (7 years old), I’ve really been musically-inclined and iyan talaga ang aking emotional outlet… roon talaga ako most happy… when I’m in music-zone. While acting naman is something I enjoy and love doing. Both of them have a special place in my heart, and doing them both gives me great joy.”

Si Ron ay mapapanood very soon sa pelikulang Minsa’y Isang Alitaptap, mula sa pamamahala ni Direk Romm Burlat. Kabituin niya rito sina Teresa Loyzaga, Diego Loyzaga, at Ms. Gina Pareño. Ito ay under ng new movie company na TTP ni Ms. Teresita Pambuan, in cooperation with ROMMantic Entertainment Productions

Incidentally, very happy ang manager at mentor ni Ron na si Direk Romm dahil sa nakuha nitong nomination sa PMPC 34th Star awards for TV bilang Best New Male TV Personality.

“I’m so happy dahil napansin si Ron ng PMPC,” masayang sambit ni direk Romm.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …