Monday , December 23 2024

7 tulak, 4 iba pa dinakip (Kampanya vs krimen pinaigting)

NAHULOG sa kamay ng mga alagad ng batas ang pitong hinihinalang tulak ng ilegal na droga at apat na pugante sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan mula Lunes hanggang Martes ng umaga, 20 Hulyo.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang pitong tulak ng droga sa ikinasang buy bust operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pandi Municipal Police Station (MPS), San Jose Del Monte City Police station (CPS), at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU).

Kinilala ang mga suspek na sina Edgardo Pingol alyas Boy ng Brgy. Taal, Malolos; Ernesto Punongbayan, alyas Nebong ng Brgy. Cofradia, Malolos; Judy Ann Esquilona, alyas May, at Marvin San Jose, kapwa mga residente sa Brgy. Loma De Gato, Marilao; Ranjit Silmar at Regie De Ominia alyas Iko, mga residente sa Brgy. Mapulang Lupa, Pandi; at Leinnard Mañalac, alyas John John ng lungsod ng Caloocan.

Nasamsam mula sa mga suspek ang may kabuuang 16 pakete ng hinihinalang shabu, kalahating laryo (brick) ng tuyong dahon ng marijuana, cellphone, at buy bust money.

Gayondin, nadakip ang apat na pugante sa inilatag na manhunt operations ng tracker teams ng Baliwag, Norzagaray, Plaridel, PIU, San Jose Del Monte CPS, PHPT Bulacan, 2nd PMFC, 301st RMFB3 at 24th SAF.

Kinilala ang mga nasukol na suspek na sina Reynan Sanggalang ng Brgy. Bagong Silang, Plaridel, sa kasong Theft; Jayson Onate ng Brgy. Tiaong, Baliwag sa kasong paglabag sa Section 5(a) at 5(I) ng RA 9262 o Anti-Violence against Women and Their Children; Daisy Besa ng Brgy. Longos, Meycauayan sa paglabag sa RA 10175 o Cyber-Libel Prevention Act of 2012; Jerome Quiling ng Brgy. Guijo, San Jose del Monte sa paglabag sa RA 7610 o Child Abuse Law (2 counts) at sa krimeng Qualified Rape (4 counts).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga arresting police station ang mga suspek at arestadong akusado para sa kaukulang disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *