Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ping ninong sa kasalang Angel-Neil

USAP-USAPAN kung tuloy na ba ang pagni-ninong ni Sen. Ping Lacson kina Angel Locsin at Neil Arce sa kasal ng mga ito? At i-endorse kaya ni Angel si Ping sakaling madesisyonan na nitong tumakbo bilang presidente sa 2022 election?

Nasabi kasi noon ni Sen. Ping na kukunin siyang ninong ng dalawa dahil family friend niya ang pamilya ni Neil.

Bukod pa na gumanap si Angel na Robina Gokongwei sa Ping LacsonSuper Cop movie ni Rudy Fernandez. Kaya masasabing close talaga ang dalawa sa senador.

Si Angel iyong ini-rescue ni Daboy that time na batamtaba pa si Angel at sinasabing 15-anyos pa lang at hindi pa ganoon kasikat.

At sakaling gawing muli ang talambuhay ni Sen. Ping na ang napipisil na gumanap ay sina Coco Martin o Dingdong Dantes, puwede rin daw gumanap na misis si Angel nina Coco o Dingdong.

Well, ‘yan ang ating aantabayanan bagamat hindi pa ipinaaalam nina Angel at Neil kung kailan ba talaga ang kanilang pag-iisandibdib.

– Maricris V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …