Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Empoy kaliwa’t kanan ang project; tutungo ng Paris para sa Walang KaParis 

ISA si Empoy Marquez sa mga masuwerteng artista na sa kabila ng COVID-19 pandemic ay kaliwa’t kanan ang proyekto. Isa siya sa may regular sa online shows ng Cornerstone Studios, teleseryeng Nina Nino na nasa 2nd season na sa TV5, at ang balik-tambalan nilang pelikula ni Alessandra de Rossi na Walang KaParis.

Noong kasagsagan ng paghihigpit sa buong bansa dahil sa COVID-19 ay puro online shows ang pinagkaabalahan ng komedyante na ipinagpapasalamat niya dahil patok lahat at dito na rin niya naisip na magkaroon ng YouTube channel at isa si Maja Salvador sa gumagabay sa kanya kung ano ang mga ilalaman.

At nang i-allow na ang pagbabalik taping ay napabilang si Empoy sa Nina Nino kasama sina Maja at Noel Comia, Jr. at nag-resume na rin sila ng shooting ng Walang KaParis sa Spring Films at Viva Films na idinidirehe ni Sigrid Andrea Bernardo.

Sa ginanap na bloggers mediacon para sa 2nd season ng Nina Nino, pinasalamatan ni Empoy ang lahat ng tumutulong sa pagsusulat at pagbabalita tungkol sa serye nila nina Maja at Noel.

“Siyempre, nagpapasalamat din po ako sa mga tumatangkilik ng ‘Nina Nino’ and praise God kasi po pataas ng pataas ang rating namin which is a good sign po,” sambit ni Empoy.

Totoo na pataas ng pataas ang ratings nila dahil nakakuha kami ng datos nito na pumapangalawa sila sa ratings game sa TV5 na ang nauuna ay ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin kaya siguro hiniritan sila ng 2nd season.

Ito rin naman ang ipinagpapasalamat din ng line producer ng teleserye, ang Cornerstone Studios dahil tuloy-tuloy ang show at maraming nabibigyan ng trabaho lalo na ‘yung mga na-retrench sa ABS-CBN noon na in-absorb ng kompanya ni Erickson Raymundo.

Naikuwento ni Empoy na maganda ang tandem nila ni Maja at hindi sila nahihirapan dahil dati na silang magkaibigan kaya ang gaan lahat.

At sa susunod na buwan, Agosto, “pupunta po naman kami ng Paris nina Alessandra, direk Sigrid, all the staff and crew para sa shooting ng ‘Walang kaParis.’ Kaya ito pong mga writer ng teleserye ay medyo nag-a-adjust po sila sa aking karakter bilang Gardo kasi nga sa pag-alis ko (tatlong linggong mawawala) at sobrang galing po ng mga kasama ko rito (serye) si direk Thop Naazareno na gagawan ng paraan siyempre always continue po tayo (karakter niya) para po magkaroon pa ng maraming seasons (ang show).”

O ‘di ba sobrang busy ni Empoy dahil sa kanya nag-a-adjust ang production at mga kasamang artista.

Ang natitirang 60% ng pelikula ng AlEmpoy ang kukunan sa Paris dahil ang 40% ay nakunan na sa Baguio bago pa magpandemya at muling nag-GCQ ang ilang bahagi ng bansa.

Hindi ito sequel o prequel ng Kita Kita (2017) dahil ibang kuwento ang Walang Ka Paris na mismong si direk Sigrid ulit ang sumulat.

– Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …