Bagong 1-M doses inilipad mula China (10-M doses ng CoVid vaccine inihatid ng Cebu Pacific simula Abril)
INIHATID mula Beijing, China ng Cebu Pacific ang panibagong isang milyong doses ng Sinovac vaccine sakay ng Flight 5J 671, indikasyon na naabot ang 10-million-mark dose ng bakuna na inilipad mula China simula noong Abril.
“We are thankful for another shipment of vaccines to the country, and we appreciate the efforts of Cebu Pacific and other carriers in continuously supporting our country’s vaccine distribution,” pahayag ni Sec. Carlito Galvez, Jr., chief implementer ng National Task Force Against CoVid-19.
Sinusunod ang mahigpit na pamantayan sa pagbibiyahe ng mga bakuna upang mapanatili ang bisa nito hanggang makarating sa kanilang mga estasyon.
“We are happy to keep contributing to the safe and timely delivery of vaccines to the country. We remain committed to playing our role to fly CoVid-19 vaccines in collaboration with the national and local government units,” ani Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.
Noong 8 Hulyo, naabot at nalagpasan ng Cebu Pacific ang landmark number na 2.5 milyong doses na naihatid sa 20 lalawigan sa bansa, at inaasahang maglilipad pa ng mas maraming kargamento ngayong buwan.
Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang anim nitong biyaheng internasyonal.
Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (GMG)