Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapakasal ni Bea ngayong 2021 nasa hula

NAISULAT namin dito sa Hataw noong Enero 5, 2021 na nagpahula si Bea Alonzo at kaibigan nitong si Kakai Bautista kay Niki Vizcarra, International tarot card reader at Paranormal Expert and Ritualist, kung ano ang naghihintay sa kanila ngayong 2021 dahil Oktubre 2020 ay tapos na ang kontrata niya sa Star Magic.

Umabot ng 19 years na Kapamilya star si Bea pero hindi na siya nag-renew sa Star Magic dahil wala na ang dati niyang manager na si Mr. Johnny Manahan o mas kilala bilang si Mr. M at nagretiro naman na si Ms Mariole Alberto noong Disyembre 2020.

At dahil bago na ang manager ng aktres na si Shirley Kuan kaya gustong alamin ni Bea kung anong mangyayari sa kanya ngayong taon.

Bago naman sinimulan ang pagbabasa ng tarot card kay Bea ay humiling muna ng panalangin si Niki para sa gabayan sila.

At sa pagbalasa ng cards na hinati ni Bea ay sinabi ni Niki na maganda ang career nito ngayong 2021 at magkakaroon siya ng maraming issues at mananatili siyang Reyna pa rin sa kanyang kinalalagyan basta’t ‘wag lang magpapa-distract.

Bagay na nagkatotoo dahil kamakailan ay pumirma si Bea ng kontrata sa GMA 7 para sa gagawin nitong mga programa/teleserye at GMA Pictures para sa pelikula nila ni Alden Richards na co-produce ng APT Entertainment at Viva Films.

At totoo rin na sandamakmak na isyu ang kinakaharap ngayon ng aktres na hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa.

Napatili nga si Bea nang banggitin ni Niki na may eight major projects siyang nabasa sa card at bukod pa sa gagawin ito sa ibang bansa.

Say nga ng aktres, “If there’s anything that I learned in 2020, if an opportunity knocks on your door, you should always say ‘yes.’”

Kaya niya tinanggap ang offer ng GMA 7?

Ito ang aabangan pa, ang 8 projects, pero ang pagpunta ni Bea sa ibang bansa ay natuloy na at kasalukuyan siyang naroon ngayon for a vacation kasama ang rumored boyfriend niyang si Dominic Roque

Nabasa ni Niki na may iniisip na lalaki si Bea kaya nagkatawanan sila at posibleng si Dominic iyon, sabi nga ng dalaga, “Lagi na lang lalaki ang nasa isip, talandi.”  

Sabi pa ni Niki, “’yung koneksiyon mo sa lalaking ito is sa pera, sa business,” na posibleng totoo dahil may mga bagong investment ngayon ang aktres. Si Dominic naman ay marami ring investments kaya hindi muna siya tumantanggap ng projects ngayon base na rin sa pahayag ng manager niyang si Erickson Raymundo na mas type ng aktor na puro social media posts muna.

Mukhang nagkatotoo rin ang sinabi ni Niki na may mga taong galit kay Bea na tago nga lang at lalabas ito kaya pinag-iingat siya.

Nangyari nga ito dahil sa kaliwa’t kanang bash kay Bea sa paglipat niya sa GMA 7 na hindi mo iisiping galing sa mga taong nakatrabaho niya noong nasa Kapamilya Network pa siya.

Napag-usapan din ang kasal at sinabi ni Niki kay Bea na mangyayari ito seven months simula noong binasahan siya noong Enero na sa susunod na buwan, Agosto ang taning at sinabing mauuna ang civil wedding or 7 years from now, 2021 kaya sa 2028 pa ito.

Say ni Bea, “Kung 7 months huwag muna kasi magtatrabaho pa ako kung 7 years ang tanda ko na (sabay harap kay Kakai), 40 nga, puta! 40 pa ako ikakasal?”

Bale ba nasa Amerika ngayon sina Bea at Dominic, hindi nga kaya, ha, ha, ha.

Samantala, si Niki ay kilala sa loob at labas ng showbiz dahil marami siyang kliyente na malalaking tao na hindi na namin babanggitin pa na laging pumupunta sa kanya dahil 100% ang batting average nito.

Katunayan, pinadala sa amin ni Niki ang mga mensahe sa kanya ng mga kliyente niya na kilala namin ang iba na lahat ay nagkatotoo.

Anyway, abangan ang pagbabalik nina Bea at Dom kung anong nangyari sa bakasyon nila sa Amerika.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …