Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kilig Saya Express-Libreng Sakay ng TNT via LRT-1 ilulunsad

TIYAK na marami ang mag-eenjoy sa hatid-saya ng TNT sa paglulunsad ng kanilang Kilig-Saya Express, ang libreng sakay sa LRT 1 mula Baclaran hanggang Balintawak stations sa Lunes, July 19.

Isang creative at unique dress-up ng Light Rail Transit (LRT-1) train, ang maghahatid ng Kilig-Saya Express tampok ang TNT ambassadors na sina Sue Ramirez at ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kasama ang mga swoon-worthy Thai idols na sina Nonkul Chanon (Bad Genius), Gulf Kanawut (TharnType: The Series), at ang Asian superstar  na si Mario Maurer (Love of Siam, Crazy Little Thing Called Love, Pee Mak). Talaga namang happiness at good vibes ang dala ng mga ito.

Kasabay ng paglulunsad ng Kilig-Saya Express, ililibre ng TNT ang  first 500 commuters kada station (Baclaran, EDSA, Libertad, Gil Puyat, Vito Cruz, Quirino, Pedro Gil, UN Avenue, Central, Carriedo, Doroteo Jose, Bambang, Tayuman, Blumentritt, Abad Santos, R. Papa, 5th Avenue, at Balintawak) sa isang free one-way train pass, end-to-end route na magsisimula ng 8:00 a.m. Para maka-avail ng complimentary ride, hanapin lang ang TNT booth na nasa bawat 18 stations.

“TNT aims to give people the simple joys in life through a burst of positivity and happiness with our unique and relevant products and services. The ‘Kilig-Saya Express’ free train pass for the first 500 passengers per station on July 19 is just one of the many ways we are giving back to our loyal TNT customers by creating meaningful and memorable experiences,” ani Miriam Z. Choa, FVP at Head of Prepaid Marketing at Smart.

Ang  train event ngayong taon ay isinakatuparan ng TNT’s newest data promo, ang Double GIGA Video: na ang mga TNT subscriber ay makapag-eenjoy ng 14 GB para sa YouTube, Cignal Play, iWant, at NBA (2 GB/day) plus 2 GB open access data for 7 days. Para maka-avail ng Double GIGA Video, mag-log in sa GigaLife App at piliin ang Double GIGA.

Hindi lang ‘yan, magkakaroon din ng 50% discount ang mga netizen na magpo-post sa kanilang Facebook, Twitter, at Instagram ng pictures habang hawak-hawak ang free ticket pass nila sa July 19 kapag nag-availa sila ng Double GIGA Video 99. Ang data promo ay available sa TNT booth kapag ipinakita ang proof of posting.

– Maricris V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …