Saturday , November 16 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

Fernando muling tatakbong gobernador sa eleksiyong 2022

HANGGA’T maaari ay ayoko muna talagang pag-usapan ang halalan o politika, makapaghihintay naman ‘yan, kaya lang, gusto ko lang linawin sa aking mga kalalawigan na hindi nagbabago ang aking posisyon, kung ano ‘yung posisyon ko noong una akong humarap sa inyo noong 2019, ay ganoon pa rin po ang aking posisyon ngayon hanggang 2022, tatakbo pa rin po ako bilang gobernador ng ating lalawigan,” ani Bulacan Governor Daniel Fernando.

Sinabi ng gobernador, sa loob ng tatlong taon niyang panunungkulan bilang punong lalawigan ng Bulacan, hindi siya tumigil sa pagsusumikap na maibigay sa mga Bulakenyo ang matapat, may puso at maka-Diyos na paglilingkod, hanggang dumating ang hindi inaasahang pandemya ay patuloy pa rin ang walang pagod na paghahanap ng solusyon para maibsan ang pangamba ng mga kalalawigan sa panganib na dala ng nakamamatay na CoVid-19.

Hindi biro ang maging gobernador sa panahon ng pandemya, ngunit kinaya ni Fernando ang lahat ng pagsubok at niyakap ang panganib na dulot ng CoVid-19 para ipakita sa mga Bulakenyo na hindi kailanman bibitaw at susuko ang ama ng lalawigan sa paglaban sa mapanganib na virus.

“Ang kalakasan ko ay ang ating Panginoong Hesus na laging nakasubaybay sa inyong abang lingkod at laging ginagabayan ako sa lahat ng aking desisyon na may kinalaman sa aking paglilingkod sa aking mga kalalawigang Bulakenyo,” ani Fernando. (MICKA BAUTISTA)

 

 

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *