#BrigadangAyala: Globe and partners, nagbigay ng ayuda sa medical frontliners
BILANG pasasalamat sa medical frontliners, namahagi ang Globe at ang partners nito ng WiFi kits, entertainment packages, grocery, medical supplies, insurance vouchers, at cash support sa tatlong public hospitals bilang tugon ng Globe sa #BrigadangAyala.
Makatatanggap ng 50 Globe MyFi devices na may kasamang free 9 GB data ang medical frontliners sa UP-Philippine General Hospital (PGH), National Children’s Hospital (NCH), at Tondo Medical Center (TMC).
Dagdag dito, makatatanggap din mula sa Ayala Corporation, sa pamamagitan ng Ayala Foundation, ang bawat nasabing ospital ng P500,000.00 at pondong makakalap mula sa Globe Rewards at GCash.
Mamahagi rin ng smart TVs na may kasamang Globe Home Prepaid WiFi with 10 GB data para sa mga CoVid-19 at cancer wards ng mga nasabing ospital at sa kanilang emergency rooms (ERs) at out-patient departments (OPDs).
“As a conglomerate, one of Ayala’s core strengths is its diversity, which has been quite evident in the group’s holistic response to the CoVid-19 pandemic,” ani John Philip Orbeta, Chief. Human Resources Officer
ng Ayala Corporation. “Through Brigadang Ayala, we are once again banking on our diversity to make an impact to the lives of the communities we serve.”
Kasama ng Globe Business ang mga customers nito sa pamamahagi ng gift packs para sa medical frontliners. Ang AC Health’s Generika ay nakapagbigay ng 500 immunity booster packages para sa PGH frontliners. Namahagi rin ang Century Pacific Food ng 500 nutrient-rich food packages para sa NCH staff at mga pasyente. Samantala, sagot ng Purego ang P200 vouchers para sa TMC employees.
Para sa GCash, sila ay namahagi ng libreng GInsure package with CoVid-19 and Dengue coverage for three months para sa 500 TMC fronliners.
Sa unang bahagi ng pandemya ay suportado na ng Globe ang PGH Medical Foundation at 9 hospital beneficiaries. Sa katunayan, nakapagtala ito ng P41 milyong tulong ng mga customers na nagdo-donate sa Globe Rewards.
Nakapagbigay na rin ng mahigit P22 milyong halaga ng CoVid-19 & pediatric cancer supplies ang Globe mula 2020.
“This contribution is Globe’s way of saying thank you for their continued service and sacrifice. We know that these connectivity devices will help them in sharing their struggles and triumphs with their families and make it easier for them to take care of their patients,” pahayag ni Ernest Cu, Globe President and CEO
“We are always forging ahead to provide solutions that will not only help our frontliners in their daily battles but also help the majority of Filipinos adapt and thrive in our new reality. Globe will continue to scale its digital solutions and connectivity efforts to get our country back on track,” dagdag ni Cu.
Ang #BrigadangAyala ay ang sama-samang pagtugon ng mga kompanya ng Ayala Group sa pagpapahayag sa halos dalawang siglong commitment sa national development sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng social development at corporate social responsibility initiatives – mula disaster relief and response, public education assistance, championing of social enterprises, public health advocacy, atbp.