Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BLIND ITEM: Aktres napagod, iniwan ang actor na ayaw magbago

MAY matinding dahilan pala ang aktres kaya niya iniwan ang karelasyong actor na ayaw magbago at iwan ang bisyo.

Sobrang in love noon ang aktres sa actor, katunayan nagpakalayo-layo sila para masolo nila ang kanilang daigdig, malayo sa tsismis, sa polusyon at iba pang makasisira ng kanilang relasyon.

Pero kahit na anong pagsisikap ng aktres na isalba ang kanilang relasyon ay hindi mangyayari kung walang kooperasyon ang dyowang aktor.

Hanggang isang araw ay nagising na lang ang aktres na hindi na niya mahal si aktor at hindi niya nakikita ang sarili na kasama siya habambuhay kaya nagdesisyong iwanan na.

Bagama’t wala ng pagmamahal ay nasaktan pa rin ang aktres dahil inalala nito ang kanilang pinagsamahan kaya dumaan din sa counselling ang dalaga para makapag-move on.

Si aktor naman ay maluwag sa dibdib na tinanggap ang hamon ng aktres pero nanatili silang magkaibigan dahil dati naman talaga silang tropa bago nauwi sa relasyon.

Sa kasalukuyan, walang lovelife si aktor dahil mas type nito ang mag-trabaho ng magtrabaho para makaipon ulit dahil marami siyang property na binili.

Samantalang si aktres naman ay nag-e-enjoy sa buhay niya ngayon kasama ang bagong lalaking nagpapasaya sa kanya. (Reggee Bonoan)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …