Saturday , December 28 2024

MCX patuloy sa pagkalinga sa partner communities (#BrigadangAyala inilunsad ng AC Infra)

PATULOY ang AC Infra, ang public infrastructure arm ng Ayala Group, sa pagtulong sa mga komunidad upang malagpasan ang hamon ng pandemyang dulot ng CoVid-19 sa pamamagitan ng #BrigadangAyala.

Kasama ng AC Infra ang Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX) at Entrego sa pamamahagi ng food, healthcare, at edukasyon, para sa partner communities.

Mula 2017, tumutulong ang Ayala companies sa mga residente ng Brgy. Poblaction sa Muntinlupa.

Sa katunayan, isa si Melanie Balansag sa mga natulungan ng AC Infra. Si Melanie ay kabilang sa informal settlers na nakatira sa kahabaan ng MCX. Ang kaniyang asawa ay isang prison inmate o People Deprived of Liberty (PDL). Kasama ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS), namahagi ang MCX ng scholarship at iba pang education-related initiatives sa Brgy. Poblacion at sa New Bilibid Prison (NBP) Community. Ang anak ni Melanie ay isa sa mga nabigyan ng scholarship ng nasabing kompanya.

“Napakalaking tulong po para sa amin ang ibinabahagi ng programa upang makamit ng aking anak ang kanyang pangarap,” ani Melanie. “Mahirap man ang sitwasyon ngayon ngunit ako bilang ina ay patuloy na gumagabay at sumosuporta sa aking anak upang hindi masayang ang pagkakataon niya na maging scholar ng PJPS at MCX/Ayala.”

Mahigit P1.2-milyong scholarships at education-related initiatives ang naipamahagi ng MCX mula 2017 sa Brgy. Poblacion at sa NBP community.

Sa pakikipagtulungan kasama ang youth leaders pinahahalagahan din ng MCX ang partnership nito sa Brgy. Poblacsion Southville 3 Youth Council (SV3YC). Namahagi ng mga gatas at kids vitamins sa mahigit 200 magulang. Dagdag ang 400 food packages sa tricyle and driver’s association.

Noong 7 Hulyo, nagsagawa ng community pantry ang mga empleyado ng AC Infra, MCX, and Entrego kasama ang local na pamunuan ng Brgy. Poblacion.

“Bilang youth leaders mas nagkakaroon po kami ng pag-asa dahil ang mga organisasyong gaya ng MCX ay patuloy na nagtitiwala at kasama naming humahakbang para sa pagbangon mula sa pandemya,” pahayag ni Kenneth Mugar, Southville 3 Youth Council President.

Naglaan rin ang MCX ng mahigit P1.9 milyon mula 2017 para masuportahan ang mga komunidad na nakapaligid dito.

“At MCX, we don’t only work for efficient toll operations, we also strive to improve the lives of the communities surrounding our toll road, that includes Brgy. Poblacion and the Bureau of Corrections. I am personally very happy to see the next generation of leaders enthusiastically working with us to accomplish the same goal – to improve the lives of our partner communities. We are very thankful for the support that the LGUs (Barangay Poblacion and Muntinlupa City) have been giving us since MCX started operations,” ani Joseph Canlas, MCX Senior Operations Manager.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *