Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diskuwento sa mga bakunado, inaprobahan sa Caloocan City

INAPROBAHAN ng Sangguniang Panlungsod ng Caloocan ang resolusyong hihikayat sa mga business establishments na magbigay ng diskuwento sa mga fully vaccinated individual.
 
Pinagtibay ng Sanggunian ang Proposed Resolution no. 11-570 na inihain ni Councilor Orvince “ConVINCEd” Howard Hernandez kasama sina councilors Vincent Ryan Malapitan at Majority Leader Edgardo Aruelo.
 
Alinsunod sa resolusyon, hinihikayat ang mga local business na magbigay ng diskuwento sa mga produkto at serbisyo sa mga nakakompleto ng bakuna laban sa CoVid-19.
 
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Hernandez, noon pang Marso nagsimula ang lokal na pamahalaan sa pagbabakuna sa mga residente ng lungsod upang unti-unting maibalik sa normal ang pamumuhay.
 
Sa loob ng apat na buwan, salaysay ni Hernandez, halos kalahating milyon pa lamang ang nabakunahan mula sa 1.1 milyong residente ng Caloocan.
 
Sa kasalukuyuan, may iilang business establishments ang kusang-loob na nagbigay ng diskuwento sa mga bakunadong customer.
 
Aminado ang milenyal na konsehal na kailangan pa ng ibayong pagsisikap upang mas marami pang mahikayat na magpabakuna gayondin upang bumalik sa 2nd dose ang mga nabigyan na ng 1st dose.
 
“Sa aming Facebook account ay isa-isa rin naming pinagsasalita o pinagagawa ng video ang ilang SK chairmen, barangay officials o HOA officers upang makahiyakat ng mga kababayan sa pagpapabakuna,” pahayag ng milenyal na konsehal.
 
Inilinaw ni Hernandez, hindi oobligahin ng lokal na pamahalaan ang business establishments sa takdang diskuwentong ibibigay at sa halip ay hihikayatin silang gumawa ng sariling gimik.
 
Pagkakataon na rin aniya ito para obligahin ng mga may-ari ng negosyo ang kanilang manggagawa para magpabakuna lalo ang mga itinuturing na essential workers.
 
“Kombinsido kami sa bakuna taob ang pandemya, kaya dapat ay maging kombinsido rin kayo,” giit ni Konsi Vince. (JUN DAVID)
 
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …