Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nick Vera Perez ‘di iniwan ang 1st love

MATABIL
ni John Fontanilla

MAY sorpresang handog si Nick Vera Perez para sa kanyang mga taga­hanga at ito ay ang kanyang dalawang bagong album na ilalabas sa Setyem­bre.

Kuwentoni Nick sa kanyang KUMU Live presscon, nabuo ang dala­wang album during pandemic at ito ay ang NVP1.0 at ang Christmas album.

Ang NVP1.0 album ay naglalaman ng mga love song na talaga namang malare-relate ang mga Pinoy music lover. Mga awiting magtuturo sa mga Filino na maging matatag at ‘wag magpapatalo sa mga problemang pinagdaraanan katulad ng pandemic na kinakaharap ng buong mundo.

Katulad ng marami, apektado rin ang international singer nang magkaroon ng pandemic. Ilan nga ang emotional imbalance dahil na rin sa pagkawala ng   events, na halos linggo-linggo ay may hosting at singing engagement siya.

Maging ang pagko-concert nito at planong pag-uwi ng Pilipinas ay hindi rin natuloy dahil sa pandemic, kaya nanan grabeng lungkot ang naramdaman niya dahil sa malaking pagbabago sa kanyang nakasanayang gawin.

Pero pilit itong ipinaglaban ni Nick para na rin sa kanyang pamilya at mga loyal supporter (NVP Angels) at para na rin sa kanyang goal sa buhay. At dito na nga ito nagsimulang nag-record ng mga kantang isinama niya sa kanyang dalawang album.

Malaki ang pasasalamatan ni Nick sa support ng kanyang family at   NVP Angels gayundin kay Olive dahil ang mga ito ang nagsabi sa kanya ng paulit-ulit na ‘wag mag-give-up.

At kahit abala sa kanyang propesyon bilang Nurse sa Chicago, Illinois,  hindi nito iniwan ang kanyang first love, ang pagkanta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …