Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda may hirit sa Miss Universe regulations

SA pagtatapos ng “pride month” humirit pa si Vice Ganda. Pero tama naman ang sinabi ni Vice tungkol iyon sa pagpayag ng Miss Universe na tumanggap at kilalanin ang mga “transwoman,” o iyong mga dating lalaki na nagpa-opera, nagpapalit ng genitals, at nagpapakilalang babae. Rito sa Pilipinas hindi pa rin tanggap iyan, dahil dito sa atin kung ano ang sex mo nang ipanganak ka, iyon na iyon.

Sinasabi rin naman nila na iyang mga “operada,” ang napalitan lamang ay ang exterior appearance ng genitals, pero nananatili naman silang lalaki kaya hindi rin sila makapagbubuntis. Wala pang nakapagpa-transplant ng obaryo o nakapaglalagay man ng synthetic na obaryo sa isang lalaking gustong maging babae. Kaya iyong mga operada, kagaya ni Rustom Padilla, na BB Gandanghari na ngayon, para kilalanin siyang babae ay nagtungo sa Amerika at doon ay humingi ng isang court action para kilalanin na siyang isang babae. Rito sa Pilipinas, ang record niya ay lalaki pa rin.

Ang hirit naman ni Vice, iyang Miss Universe ay isang pribadong korporasyon. Kung sa regulasyon nila ay pinapayagan ang mga operada, o transwoman na sumali sa Miss Universe, ano nga ba ang pakialam ng kahit na sino? Kanila iyon eh. Kung ayaw ninyo ‘di huwag kayong manood at huwag ninyong kilalanin, tutal may iba pa namang international beauty pageants.

Personal na bagay iyan eh. Halimbawa rito rin sa Pilipinas, naisipan ni Vice Ganda na magsuot ng damit ng babae. Naisipan din naman niyang magkaroon ng boyfriend. May pumayag namang maging boyfriend niya ano man ang dahilan niyon, eh ano nga ba ang pakialam natin?

Buti nga iyan ganyan lang, hindi ba mayroon pa ngang nagpapakasal? Eh ano ang pakialam ninyo sa buhay nila? Buhay nila iyon eh. Kung ayaw ninyo, at sa tingin ninyo ay mali, huwag kayong makitungo.

Pero napansin lang namin, maraming mga lesbian na gustong magpaka-lalaki. Ipinababago ang katawan. Inaalis ang boobs. Umiinom ng gamot para tubuan ng bigote at mabago ang boses. Hindi mo sila matatawag na transman, kasi hindi naman sila naoperahan para lagyan ng genitals ng isang lalaki. Kung magawa naman iyon at maidugtong, gagana naman kaya?

Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …