Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sweet kay Sue—Napakahusay niya!

BILIB na bilib ang director ng Boyfriend No. 13 na si John “Sweet” Lapus sa female lead star ng WeTV series na si Sue Ramirez.

“Si Sue ay isa sa mga underrated actress ng industriyang ito. Napakahusay niya!

“Finally ito na, nararamdaman na natin at napapansin na siya ng mga direktor, ng industriya at ng buong Pilipinas na wow! magaling pala itong babaeng ito. She really can act, she can do drama, she can do comedy. I’ve seen her work sa isang horror. Minsan nag-drama siya, nag-comedy siya. Ang gaan-gaang katrabaho.”

 Paano ilalarawan ni Sweet ang Boyfriend No. 13?

“Masaya at kalma. Napakasaya ko na technically ito ang comeback ko sa pagdidirehe. 

 “My last was ‘Kadenang Ginto,’ nagdalawa pa akong ‘Ipaglaban Mo,’ as in the week before the lockdown. So ito ngayon ang comeback ko as a director na with the new protocols and all,” pahayag ni Sweet.

Dagdag pang sinabi ni Sweet, “I promise you, you will fall in love. You will feel good inside. You will feel happy. ‘Yan ang mga series na kailangan natin na pinanonood ngayon, ‘yung magpapagaan ng pakiramdam natin, magpapasaya sa atin. This is a perfect series for everyone.”

 Ang Boyfriend No. 13 ay mapapanood ng libre sa WeTV simula ngayong gabi, 7:00 p.m.

Bukod kay Sue, nasa serye rin sina JC Santos at JC de Vera. Line-produced ng APT Productions ang Boyfriend No. 13 at kasama rin sa cast sina Lotlot de Leon, Phi Palmos, Hershey Neri, at Bryan Sy.

Para ma-stream naman ang mga WeTV Originals at ang mga bonggang Asian Premium Content, original series, Filipino shows at anime, i-download lamang ang WeTV at iflix app mula sa App store at Google Play, at puwed ng manood! Ang monthly subscription ay P59 pesos , quarterly ay P159, at ang annual subscription ay P599 lamang para sa recurring subscriptions, samantalang ang one-month pass ay nagkakahalaga lamang ng P149. Sulit, ‘di ba?

Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …