Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rash Juzen, ipinagmamalaki ang pelikula nilang Nang Dumating Si Joey

PROUD si Rash Juzen sa pelikula nilang Nang Dumating Si Joey  mula sa pamamahala ni Direk Arlyn dela Cruz-Bernal. Ang pelikula ay available for streaming sa August 13-15, 2021 sa ktx.ph.

Ito’y mula sa Blank Pages Productions, ang Executive Producer nito ay ang US based na si Kuya Bong Diacosta. Tampok dito si Alan Paule, introducing naman ang newcomer na si Francis Grey na gaganap na Joey. Kasama rin sa movie sina Ernie Garcia, at Isadora.

Saad ni Rash sa kanilang pelikula, “Para sa akin, isa pong eye-opener ang aming pelikula at may mapupulot na mahalagang aral na hindi dapat palagpasin ng lahat.”

Ano ang role niya sa Nang Dumating Si Joey? Tugon niya, “Ang role ko po sa film na ito ay si Bryan, anak ni Zandro na ginagampanan ni Mr. Alan Paule. Isa po akong mapagmahal na anak dito.”

Ano ang masasabi niya kay Direk Arlyn at sa co-stars niya rito?

Lahad ni Rash, “Very professional po si Direk Arlyn sa lahat ng bagay and at the same time, marami siyang baon na magagandang ideas. Mabait po siya and kuwelang kasama.

“Sa mga co-stars ko naman po, napakagaan nila katrabaho at mahuhusay po silang lahat. Iyong buong production team po, maasikaso po sila nang sobra.”

Nag-start si Rash sa showbiz noong 2014 bilang recording artrist.

Aniya, “I recorded a revival song po, ang title po ay Ikaw Ang Iibigin Ko composed by Mr. Michael De Lara and nag-top po siya sa mga FM and AM radio stations. Then na-invite na po ako sa mga TV and radio guestings, mall shows, university tours, mga out-of-town and out-of-the-country shows/concerts. Then may mga nag-offer po ng commercials at TV and film projects, doon na po nag-start ‘yung acting career ko… naging voice drama talent din po ako sa DZRH.

“Nakapag-release po ako ng physical album way back in 2016 under PolyEast Records. Mayroon din po akong digital release ng mga kanta ko under Praise Incorporated naman po.”

Bago ang pelikulang Nang Dumating Si Joey, nakagawa ng limang pelikula si Rash. Ngayon ay bahagi ang actor/singer ng historical film na Balangiga 1901.

Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …