TAAS noong sinabi ni Julia Barretto, “all my best days are with Gerald.” Tiyak na aalmahan iyan ng fans ng kanilang love team ni Joshua Garcia. Hindi man diretsahan, parang sinabi niya na walang kuwenta si Joshua, at kung ganoon nga wala ring kuwenta ang kanilang
love team, at maging ang fans nila.
Iyong mga solid na fans ni Joshua, hindi na magre-react iyon dahil matagal na nilang ibinasura si Julia. Pero iyong nananatili pang fans ng kanilang love team, na sinasabi ngang mas maraming ‘di hamak kaysa solid fans ni Julia, papalag iyan, at ano nga ba ang aasahan ninyo kung mangyayari iyan kundi ang patuloy na pagbaba ng popularidad ni Julia, ano mang build up ang gawin sa kanya.
Minsan, iyang mga inaakala nilang statements na wala namang masama, may balik iyan.
Ed de Leon