Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara umiiyak habang patungo sa altar; Ate Vi at Sharon ‘di nakarating

IKINASAL na si Ara Mina at si Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez sa Baguio City noong Miyerkoles, June 30, 2021.

Ginanap ang kasalan sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, 4:00 p.m..

Nagsilbing little bride ang anak ni Ara na si Amanda Gabrielle Meneses patungong altar at niyakap ang stepfather na si Dave ayon sa reports.

Naiyak si Ara habang naglakakad patungong altar gayundin ang taong nasa seremonyas.

Sampung pares mula sa politka, negosyo, at showbiz ang ninong at ninang. Pero hindi lahat ay nakarating sa wedding.

Present sa kasal ang sister ni Ara na si Cristine Reyes bilang isa sa matron of honor. Naging bridesmaids naman ang ilang  kaibigang artista ni Ara na sina Barbie Imperial, Jenny Miller, Melissa Ricks, at Miss Grand Intetnational 2020 fist runner-up Samantha Bernardo.

Veil sponsors naman couple na sina Sunshine Cruz at Macky Mathay.

Wala sa mismong ceremony ang mga ninang na sina Congresswoman Vilma Santos-Recto, Sharon Cuneta, broadcast executive Cory Vidanes, GMA executive Redgie Magno, at Viva boss Vic del Rosario, Jr..

Ginanap ang wedding reception sa grand convention ng Alphaland Baguio Mountain Lodges.

Best wishes, Dave and Ara!

Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …