TATLONG Kapamilya teleserye ang mapapanood na rin sa WeTV. Ang tatlo ay ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, Huwag kang Mangamba nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Seth Fedelin, at Francine Diaz, at ang Init sa Magdamag nina Yam Concepcion, Gerald Anderson and JM de Guzman.
Mapapanood ang mga lumang episodes ng Ang Probinsyano samantalang ang mga bagong episodes ay mapapanood tuwing Sabado hanggang Miyerkoles, 6:00 p.m.
Ang mga fresh episodes ng Huwag Kang Mangamba ay mapapanood tuwing Sabado at Miyerkoles, 10:00 p.m., at ang Init Sa Magdamag ay available ding mula Sabado hanggang Miyerkoles ng 11:20 p.m.
Samantala, mapapanood naman ang action-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano sa 41 bansa sa Africa simula ngayong Hulyo sa pamamagitan ng StarTimes PTV, ang nangungunang digital TV operator sa Sub-Saharan region.
Ibinahagi ito ng Dreamscape Entertainment sa kanilang social media post. Anila, “Ang pambansang teleserye, pang international na rin! Mapapanood na ang #FPJsAngProbinsyano sa 41 countries sa Africa simula ngayong July sa StarTimes PTV Regional network.” (MVN)