HINDI inurungan ni Sen. Manny Pacquiao ang challenge sa kanya ni Pangulong Duterte na pangalanan ang mga corrupt sa kanyang gobyerno para hindi masabi ng Pangulo na sinungaling ang boxing champ.
Ani Pacman, “I accept the challenge of President Rodrigo Dueterte. Thank you and you gave us a chance to hel and provide you information in the campaign agains corruption.”
Iginiit pa ni Pacquiao na, “I’m not a liar. I’ve make mistakes in my life that I’ve straightened out and corrected. I am not corrupt and I am not a liar.”
Parang nasa boksing si Pacman na bagamat hindi pa nagdedeklara kung tatakbong Presidente sa 2022 elections ay marami na ang namba-bash sa kanya.
May mga kumukuwestiyon kung kaya nitong pamunuan ang buong bansa. Pero marami rin namang pabor sa kanyang pagtakbo at ipinagtatanggol din siya ng mga netizen gayundin ng mga kapwa-politiko.
Isa sa nagtanggol at nagbigay ng pahayag ay si Sen. Ping Lacson na sinabing, ang biggest asset ni Pacman ay ang puso nito.
“Sen Pacquiao is a good friend. He has given much honor to our country. He still has big dreams for the ordinary Filipino. He is one person always willing to learn the ropes of governance. His biggest asset is his “big heart” for the poor and downtrodden where he came from,” tweet kamakailan ni Sen. Ping.
Hati ang reaksyon ng netizens sa sinabing ito ni Sen. Ping. Ang iba ay umayon at ang iba naman ay tumutol.
Reaksiyon ng isang netizen, “Presidency is not the place to “learn the ropes of governance.
“Having a “big heart and lots of dreams for filipinos” is not synonymous to COMPETENCE – something which I believe Pacquiao still lacks.”
Sinagot naman ito ni Ping ng, “Kindly read again my tweet. I am simply describing the man. I can’t see anything wrong with uplifting a friend’s morale while facing some serious issues within his political party.”
Maricris V. Nicasio