Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lauren Young nanibago sa pagbabalik-showbiz

MATAPOS ang dalawang taon, muling mapapanood sa telebisyon si Lauren Young sa GMA’s mini-series na Never Say Goodbye kasama sina Jak Roberto at Klea Pineda.

Ang Never Say Goodbye ang isa sa mga kuwento na mapapanood sa pinakabagong drama-anthology series na Stories from the Heart.

Sa isang vlog ay ibinahagi ni Lauren ang kanyang naging karanasan habang naka-quarantine sa hotel. “Today, what I have to do is a script reading. They’ve organized these activities for us to do while we’re here para it’s productive and I guess as a way to check up on us and make sure na hindi kami magka-cabin fever.”

Inamin din ni Lauren na naninibago siya sa kanyang pagbabalik-showbiz. “Ang tagal ko na kasing hindi umaarte. This life and this lifestyle, it seems so new to me. I haven’t acted in 2 years, hindi na ako sanay. Nasanay lang ako na my life has been so simplified. I’m not used to this glitz and glamour anymore. After doing this for more than 10 years, nagpahinga ako because of Covid so medyo naku-culture shock ako.”

Ngayong linggo ay nagsimula na ang lock-in taping ng cast sa Mabalacat, Pampanga. Bukod kina Lauren, Jak, at Klea, makakasama rin nila sa mini-series sina Snooky Serna, Max Eigenmann, Kim Rodriguez, Sharmaine Santiago, at Mosang.

Sa direksiyon ni Paul Sta. Ana, abangan ang nakakikilig na kuwento ng  Stories from the Heart: Never Say Goodbye sa GMA-7.

Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …