WALA pang announcement si Arjo Atayde kung tuloy na ang kandidatura niya sa pagka-congressman sa District 1 ng Quezon City pero hindi siya tumitigil araw-araw sa pamamahagi ng mga tulong sa lahat ng nangangailangan sa nasabing distrito.
Katulad na lang sa mga nasunugan noong Sabado, Hunyo 26 sa may Barangay Project 6, kaagad pumunta ang aktor para maghatid ng groceries, packed lunch, at essentials para sa COVID 19.
Aksyon Agad ang campaign slogan nito na ang ibig sabihin ay Arjo Atayde o AA na mismong siya ang nakaisip.
Anyway, muling nanggulat ang aktor dahil hindi sukat akalain ng mga barangay officials ng District 1 na nag-donate ito ng 24 service vehicles for emergency at day to day operations.
Ipinost mismo ng Quezon City Government ang mga larawan sa ginanap na turnover ceremony na pinangunahan nina Arjo at ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
“Maraming salamat kay Arjo Atayde sa kanyang donasyon na service vehicles para sa mga barangay ng District 1 sa lungsod.
“Ipinamahagi na ang unang batch ng service vehicles na tinanggap ng ating mga kapitan na sina: Brgy. NS Amoranto Capt. Ato de Guzman, Brgy. Manresa Capt. Bong Tambis, Brgy. Paang Bundok Capt. Tikyo Tiglao, Brgy. St. Peter Capt. Gary Arroyo, Brgy. Sto. Cristo Capt. Mac Navarro, Brgy. Maharlika Capt. Isaac Tan, Brgy. San Antonio Capt. Daniel Berroya, Brgy. San Jose Capt. Jun Alcantara, at Brgy. Vasra Capt. Bobby Fortuno.
Dumalo rin sa turnover ceremony sina Belmonte, Councilors TJ Calalay, Doray Delarmente, Ollie Belmonte, Mayen Juico, Bernard Herrera, Jun Ferrer, at Kgd Charm Ferrer, at Secretary to the Mayor RJ Belmonte.
“Ang mga sasakyang ito ay magagamit ng ating mga barangay upang makapaghatid serbisyo at aksyon agad sa kanilang paglilingkod sa bayan.”
Lahat ng mga sasakyan ay nilagyan ng kulay berdeng pintura na may nakalagay na Aksyon Agad.
Reggee Bonoan