BINIBINING Pilipinas-Universe 2016 title-holder si Maxine Medina na ngayon ay desidido na sa pagiging artista. Gumaganap si Maxine sa First Yaya bilang kontrabidang si Lorraine Prado.
Paano ia-assess ni Maxene ang sarili bilang aktres? Paano niya pinaghandaan ang pagpasok sa showbiz?
“Actually ang difference po kasi ng pageant and being an actor is that you have more time to… aralin lahat kung anong kailangan mong gawin.
“Like, kunwari, sa role ko, this is new to me, being a kontrabida. So may time ako para aralin siya. Pero compared to pageants, you have minimum time like to, give it all. Just one snap, kailangan maibigay mo talaga lahat.
“Walang mali, kailangan perfect, everything. So one time, big time siya. But being an actor, it takes more time to, like being into that role na ibinibigay sa iyo.
“So for nae-enjoy ko siya ngayon kasi iba-ibang role ‘yung naibibigay sa akin.
“Like now, sobrang happy ako and blessed kasi ang dami ko ring natututuhan. Since , ako po kasi ‘yung taong, ang hirap magalit, ang hirap magbigay ng thoughts kasi very careful po ako, compared to my role now, is sobrang galit ako, insecure ako, tapos inilalabas ko talaga lahat.
“Well sa lahat ng ginagawa ko rito is with the help of direk LA.
“Natututunan ko siya along the way. Iyon po.”
Magtatapos na sa Biyernes, July 2 ang First Yaya na leading man ni Sanya Lopez si Gabby Concepcion. Kasama rin nila sina Pancho Magno, Pilar Pilapil , Gardo Versoza, Glenda Garcia, at Sandy Andolong.
Ipinakilala naman sa First Yaya ang tandem nina Cassy Legaspi at Joaquin “JD” Domagoso .
Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo, Cai Cortez, Kakai Bautista, Thia Tomalla, Anjo Damiles, Clarence Delgado, Thou Reyes, at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio, at Mikoy Morales.
Ang First Yaya ay idinidirehe nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.
Rommel Gonzales