“I promised him that I will do everything to just be even one percent of what he was as a man and as a Filipino,” deklara ni Kris Aquino noong ibalita n’ya ang pagpanaw ng kuya n’yang dating pangulo ng bansa na si Noynoy.
Ayon sa mga nagdudunong-dunungan, pahiging raw ito na papasok si Kris sa politika para maipagpatuloy ang legacy ni PNoy.
Sana naman hindi totoo na biglang nagkaambisyon si Kris na pasukin ang politika dahil lang sa pagyao ni Noynoy.
Ano mang posisyon ang ambisyonin n’ya, manalo man siya o hindi, siguradong makakasali ang mga anak n’yang walang malay sa panlalait ng mga ‘di-pabor sa kanya.
Lahat ng eksaheradong panlalait ay tiyak na ikukulapol sa magkapatid.
Siguradong lahat din ng relasyon at kontrobersiyang pinagdaanan ni Kris ay kakalkalin at palalalalain ng mga ‘di-pabor sa mga Aquino noon pa man.
Siguradong huhukayin din ang lahat ng ‘di magandang nagdaan ng mga magulang n’ya, pati na ang kayayao lang na si Noynoy.
Magiging impiyerno ang buhay ni Kris at ng mga anak n’ya ‘pag nagkamali siyang pasukin ang politika!
Ano bang mapapala ni Kris kung maging politician din siya?
Parang wala naman. Tularan na lang n’ya ang mga kapatid n’yang babae na nananahimik sa piling ng respective husband nila at mga anak.
Siguradong nabubuhay naman sila nang masagana at hindi sa kapobrehan.
Kung may darating kay Kris na bagong “asawa,” ng katuwang sa buhay, ‘ika nga, mabuhay siya ng kuntento na wala na sa limelight.
Pwede naman siyang tahimik na tumulong sa bayan bilang private citizen kung hangad n’ ya talagang ipagpatuloy ang legacy ng mga Aquino.
And, actually, wala namang deretsahang pahayag ang ina nina Josh at Bimby tungkol sa pagpasok sa politika. Ang mayroon ay haka-haka lang, mga walang magawa sa aba nilang buhay.
ni DANNY VIBAS