Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday parang dinagukan nang matapos ang serye sa Dos

NATAPOS na iyong seryeng ginagawa ni Judy Ann Santos sa ABS CBN at ngayon inaamin nga niya na noong mawala ang Kapamilya Network, hindi na rin niya alam kung ano ang mangyayari sa kanyang buhay. Para rin siyang dinagukan.

Ewan kung may iba pang ganoong deal, pero noon kasing napakatindi ng kasikatan ni Juday, naging wise ang manager niyang si Alfie Lorenzo. Hindi kagaya ng iba na nang sumikat ang kanilang artista ay sinamantala at humingi ng napakataas na talent fee, na siyang karaniwang ginagawa ng mga hindi nag-iisip.

Natatandaan namin ang kuwento noon ni Alfie, hindi mo alam kung hanggang kailan ang kasikatang iyan kaya ang mas dapat ay pag-aralan mo ang kinabukasan. Pumayag siya sa hindi masyadong mataas na talent fee ni Juday, basta hindi naman lugi. Pumayag din siya sa isang mahabang kontrata. Pero mayroon siyang nakuha. Iyon ay isang guaranteed contract. Ibig sabihin, wala mang gawing proyekto si Juday, babayaran pa rin ng ABS-CBN kung ano ang talent fee na napag-usapan.

Tinatanggap iyon ni Juday buwan-buwan.

Kaso talagang wala na rin iyon ngayon, dahil ang ABS-CBN ay wala nang franchise, kaya bilang network, legally iyon ay non-existent na, kaya tapos na rin ang lahat ng kanilang contractual obligations. Hindi namin alam kung may natitira pang panahon sa kontrata niya sa ABS-CBN, pero kung mayroon man maaaring hindi na niyon pananagutan ang guaranteed income. Talagang malaki ang mawawala kay Juday.

Eh sa panahong ito, wala namang matinong pelikula dahil sarado ang mga sinehan, at iyong inaasahan nilang herd immunity para mabuksan iyon ay baka daw sa 2023 pa dahil sa bagal ng dating ng mga bakuna, at pagtanggi ng ibang magpabakuna hanggang EUA lamang iyon ay wala pang kasiguruhan. Ibig sabihin, matagal pa rin bago maging normal ang industriya ng pelikula.

Ngayon, barya-baryang pelikula lang ang ginagawa dahil barya-barya rin lang naman ang kinikita nila dahil inilalabas nga lang sa internet. Eh hindi pa maganda ang internet dito sa Pilipinas.

Mabuti nga sina Juday may negosyong nasimulan bago ang never ending quarantine at malakas naman iyon dahil ayos ang kanilang mga ginagawang pagkain at sa suporta na rin ng kanilang  fans.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …