NOONG nagsisimula pa lamang si male starlet, pa-hustle-hustle lang siya. Nai-feature siya sa isang magazine, at magmula noon panay palabas niya ng mga sexy selfies sa social media, at lagi siyang may nakahandang “sob stories” sa mga nakaka-chat niya. Karamihan
nahihingan niya ng pera.
Pero minsan ay naisahan din siya. May nag-alok sa kanya ng P5K, na dahil noong panahong iyon ay walang-wala pa siya, malaki na iyon. Pumayag siyang makipag-video call, at nag-selfsex. Hindi niya alam na nai-record iyon ng kanyang ka-deal. Kumalat iyon nang ipagbili ng kung sino na nakakuha ng kopya, at kung sino man ang nakabili, ini-upload iyon sa mga gay website. Dead ma na lang ang starlet, paano nga ba niya maikakaila ang sex video niya?