Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bidaman Wize crush na crush si Jane

ANG mahusay na aktres na sina Cherry Pie PichacheAngel Locsin, at Jane De Leon ang gustong makatrabaho ni Bidaman Wize Estabillo.

Ani Wize, “Si Ms Cherry Pie ang isa sa gusto kong makatrabo, simula ng mapanood ko siya sa ‘Ina, Kapatid, Anak’ humanga na ako sa kanya ang galing-galing niyang aktres.

“Bukod sa ‘di lang siya mahusay sa drama, dahil mahusay din siyang mag-comedy at maging sa horror.

 “Gusto ko rin maka-work sina Angel Locsin at Jane De Leon na parehong ‘Darna,’ maganda, sexy, at mahusay umarte.

 “Actually po si Jane ang showbiz crush ko, simula po ng mapanonod ko siya sa ‘Halik.’

Sina Jericho Rosales at Zanjoe Marudo naman ang mga actor na gusto niyang makatrabaho.

 “Hopefully po sana makatrabaho ko sila, dream come true po ‘yun sa akin.”

Sa ngayon ay abala si Wize bilang online host ng It’s Showtime at may solo live stream din ito sa KUMU tuwing Lunes at Biyernes, 10:00 p.m. up to12 midnight. Tuwing Miyerkoles at Sabado naman sa Goodvibes with Bidaman kasama ang iba pang Bidaman.

“Thankful po kami kasi parang ito ‘yung chance namin na makapag-bonding and at the same time, makapagbigay goodvibes sa mga nagsu-support din sa amin,” wika pa ni Wize.

John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …