Wednesday , November 20 2024

Ayala Group kinilala sa international CoVid-19 response  

NAKATANGGAP ang Ayala Group of Companies ng Award of Merit mula sa 2021 Gold Quill Awards ng International Association of Business Communicators sa aktibong pagtugon at pagtulong ng grupo sa gitna ng pandemyang dulot ng CoVid-19.

Ang Ayala ang natatanging business group sa Filipinas na kinilala sa CoVid-19 Response & Recovery Management and Communication category dahil sa lubos at tuloy-tuloy na pagkalinga sa ecosystem na binubuo ng mga empleyado, partners, customers, at ang mga karaniwang Filipino na labis na naapektohan ng pandemya.

Nitong nakaraang Mayo, nakapaglaan ang Ayala Group ng mahigit P16 bilyon para sa iba’t ibang CoVid-19-response initiatives.

Para mapabuti ang healthcare sector, umalalay ang Ayala sa public sector upang i-boost ang testing capacity ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng biosafety laboratories at CoVid-19 testing booths.

Nag-donate rin ang grupo ng RT-PCR machines at medical supplies sa iba’t ibang local government units. Kasama ang ilang pribadong kompanya, ini-convert ng grupo ang World Trade Center sa isang mega-isolation facility sa loob lamang ng pitong araw noong isang taon.

Sa ilalim ng iba’t ibang tripartite agreements kasama ang gobyerno, naglaan ang Ayala ng isang milyong doses ng CoVid-19 vaccine para sa kanilang empleyado at iba pang stakeholders. Sa pagdating ng mga bakuna, ia-administer ng AC Health ang mga bakuna sa 24 vaccination sites sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa gitna ng idinulot na economic crisis ng CoVid-19, patuloy na sinuportahan ng Ayala ang libo-libong empleyado ng grupo lalo na noong kasagsagan ng mahigpit na lockdown. Malaki ang naitulong ng rent condonation ng Ayala Land upang masustena ng mall merchants ang kanilang operasyon.

Bukod pa rito, sa tulong ng Caritas Manila at Philippine Disaster Resilience Foundation, nanguna ang Ayala sa private sector-led consortium na nakalikom ng P1.7 bilyong halaga ng grocery vouchers at in-kind donation na naipaabot sa 14 milyong indibidwal sa Greater Manila Area.

Sa gitna ng pandemya, patuloy din ang Ayala sa paghikayat ng foreign at local investments upang tulungang makabangon ang ekonomiya ng bansa.

“We truly appreciate this recognition for our CoVid-response initiatives. We owe this feat to the strength of the Ayala community, where employees and leaders work together with our various stakeholders to bring to life our commitment to nation-building and continue to improve people’s lives despite the deep impact of the pandemic,” pahayag ni Chief Human Resources Officer John Philip Orbeta.

Bisitahin ang IABC website para sa kompletong listahan ng mga nagwagi sa 2021 Gold Quill Awards.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *