Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex ‘di pinigilang mag-showbiz si Sunshine, grateful sa kabaitan ni Ms. Rhea Tan

SUPORTADO ng actor/public servant na si Alex Castro ang showbiz career ng wife niyang former Sexbomb member na si Sunshine Garcia.

Sa pag-guest ni Alex sa online show naming Tonite L na L nina katotong Roldan Castro at Chuffa Mae Bigornia, nabanggit niyang silang mag-asawa ay nagsusuportahan sa isa’t isa.

Esplika ni Alex, “Hindi ko siya binabawalan sa showbiz, suportahan lang kung ano ang gusto namin sa buhay. Nakilala ko si Shine bilang artista na at magaling siyang artista, hindi lang siya magaling na dancer, magaling din siyang artista, magaling siyang umarte. Naniniwala ako sa talent niya, sayang kung hindi po iyon magagamit at makukulong lang siya sa bahay at mag-aalaga ng anak namin.”

Aniya, “May buhay din siya bukod sa pamilya, kumbaga, mayroon din siyang mga gustong gawin. Minsan lang tayo mabubuhay, bakit hindi natin enjoy-in, ‘di ba? Bakit natin pipigilan ang mahal natin sa buhay na gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin? Kaya go lang, kung gusto niyang mag-showbiz, walang problema.”

Dito’y hinikayat din ni Board Member Alex ang lahat, lalo ang mga kababayan sa Bulacan na magpabakuna na, para matapos na ang problema natin sa CoVid-19 pandemic.

Ukol sa pagiging ambassador ni Alex ng Beautederm owned by Ms. Rhea Anicoche Tan, nabanggit niya kung gaano kabait ang magaling na business woman.

“Alam ninyo, hindi lang nang magsimula ang Beautederm ay nandiyan ako, kasama ko na sila ate Rei. Iyong naniwala sila na maging endorser nila (ako) ay sobrang nakaa-ano ‘yun. Iba e, hindi ko ma-explain kung paaano kasaya ‘pag nandoon ka sa pamilya ng Beautederm. Bukod sa mababait, marami kang natutuhan sa mga tao sa paligid ng pamilya ng Beautederm.

“And effective ang kanilang products. Hayan o, no filter ‘di ba, namumula ‘yung pisngi ko,” nakangiting saad niya.

Ukol sa One Minute Hakot Challenge sa Beautederm, sobrang nag-enjoy daw sila rito. “Mas magaling kumuha sa akin ang misis ko, si Sunshine. Marami siyang nakuha, e. Walang ka-poise-poise, kinuha niya lahat, kulang na lang pati lalagyan kunin. niya, hahaha! Ang ganda ng experience, na-try n’yo na iyon, di ba? Sobrang saya.”

Saad ni Alex, “Pero ang Beautederm family, si ate Rei, parang anghel na ibinigay sa atin ni Lord para magbigay kulay sa atin. Napakalaking bagay na may mga taong tulad niya na mabait. Kasi kapag positive ang tao na lagi mong nakakausap, maa-absorb mo, e. Nakai-inspired siya, kaya ako tumagal sa Beautederm at kasama nila hanggang sa ngayon.”

Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …