HINDI pa man kumakalma ang Taal mula sa pagsabog nito pagpasok ng nakaraang taon, panibagong hirap muli ang pinagdaanan ng mga taga-Batangas nang tumama ang CoVid-19 sa bansa.
Dahil sa lockdown, napilitang manatili sa loob ng bahay ang mga tao. Nagsara rin ang mga negosyo.
Isa sa matinding naapektohan ng mga hindi inaasahang pangyayaring ito ang gotohan ni Oliver Marasigan ng San Juan, Batangas.
Bago maganap ang pandemya, laging puno ng mga taong gustong makatikim ng masarap na Batangas goto ang puwesto ni Oliver sa gilid ng kalsada. Sa katunayan, ubos ang 80 kilo ng goto na niluluto niya araw-araw sa umaga pa lamang.
Pero dahil sa paghihigpit ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng virus, napilitan si Oliver na pansamantalang itigil ang kanyang kainan. Kahit nawalan ng kita at naubos ang puhunan, hindi nagpatalo si Oliver sa hamon ng panahon. “Kailangan naming mabuhay, hindi naman puwedeng aasa kami sa ayuda. Sabi ko sa sarili ko ‘ala ‘e, laban na ito,” aniya.
Gaya ng ginagawa ng ibang mapamaraang maliliit na negosyante, sinubukan ni Oliver na ilagay online ang kanyang gotohan. Ang mga nalutong goto ay kinukunan niya ng retrato at inia-upload niya sa social media. Nagparehistro rin siya sa mga online food delivery apps para maihatid ang kanyang goto sa masugid niyang mga customer.
Kumikitang kabuhayan na sana pero nagkaroon muli ng problema si Oliver dahil hindi agad nakapapasok ang order ng mga customer sa messaging app gawa ng mahinang signal at mabagal na internet.
Ang hindi alam ni Oliver, may malaking kinalaman ang lumang 3G SIM card na gamit niya kaya hindi maganda ang signal sa kanilang lugar. Marami pa rin mga tao sa Batangas at karatig na probinsiya ang gumagamit ng 3G SIM na hirap sumagap ng signal dahil ito ay makalumang teknolohiya.
Ngayong ang mga cell tower ng Globe Telecom sa Batangas at mga kalapit na lalawigan ay upgraded na sa 4G LTE, puwede nang palitan ang mga 3G SIM. Ang 4G LTE ay mas bagong teknolohiya para sa mas mabilis na internet connection.
Dahil sa 4G, bumilis ang benta ng goto ni Oliver online. “4G! 4-GOTO! Ayos! Taob na naman ang kaldero ng gotohan ko. Hindi na ako problemado sa bayaran ng tuition, bayaran sa koryente’t tubig at matutustusan na ang pangangailangan namin,” masayang pahayag ni Oliver.
Patuloy ang Globe sa pagpapalawak ng 4G LTE sa bansa para makinabang ang mas marami pang Filipino na gumagamit ngayon ng internet para sa paghahanabuhay, pag-aaral, pamimili, pagbabayad, at iba pa.
“Napakahalaga sa Globe ang mga customer kaya nais namin mapaganda ang kanilang karanasan. Ito ang dahilan kung bakit matindi ang aming pagsisikap na maihatid ang connectivity kung saan ito ay lubhang kailangan. Alam namin na ang isang malakas, maaasahan, at madaling ma-access na internet ay malaki ang maitutulong sa buhay at kabuhayan ng mga tao,” ayon kay Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.
Sa mga gustong magkaroon ng mas magandang serbisyo ng internet gamit ang mobile, dalhin lamang ang lumang 3G SIM sa pinakamalapit na Globe Store para libreng palitan ng 5G-ready 4G LTE SIM na gamit pa rin ang kanilang kasalukuyang numero. Hinihikayat din ang lahat na gumamit ng 4g LTE na cellphone para sa mas magandang karanasan.
Para sa mga karagdagang kaalaman, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/help/mobile-internet/lte/faqs.html#gref
Patuloy na sinusuportahan ng Globe ang 10 United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs) partikular ang UN SDG No. 9 na nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng impraestruktura at innovation sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Bisitahin din ang www.globe.com.ph para sa iba pang impormasyon.