Thursday , April 3 2025
Navotas

e-BPLS, e-BOSS platform inilunsad ng Navotas

ISINAKATUPARAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang electronic Business Permits and Licensing System (e-BPLS) at Electronic Business One-Stop Shop (e-BOSS) cloud-based platform.

Pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, Union Bank of the Philippines Executive Vice President and Retail Banking Center Head, Mary Joyce Gonzales, at Landbank of the Philippines Executive Vice President, Julio Climaco, Jr., ang virtual na paglulunsad ng programa.

“The online system was developed in line with our commitment to the national directive to streamline and digitalize business processes to promote ease of doing business.

It also aims to minimize human interaction and intervention to prevent delays and red-tape and, in light of the pandemic, keep everyone safe from COVID-19,” ani Mayor Toby.

Ang mga Taxpayer ay maaaring mag-register o mag-renew ng kanilang businesses sa https://online.navotas.gov.ph/.

Ang online system ay nagsama rin ng mga ancillary certificates at clearances na kinakailangan para sa mga business permit applications at renewals tulad ng fire safety at sanitary inspection certificates.

Ang interface ay idinisenyo upang maghatid ng mabilis, mahusay, simple, at walang abalang transaksiyon, kahit mga hindi nagbabayad ng buwis.

“The online payment and collection system of the city is limited to business matters and operations for now. However, we are working to provide the same level of service to realty taxpayers and other constituents transacting in the city hall,” ani Tiangco.

Nauna rito, nakipagsosyo ang pamahalaang lungsod sa Landbank of the Philippines at Union Bank of the Philippines upang makagawa ng mahusay na online payment collection system sa pamamagitan ng kani-kanilang banking applications.

Ang pamahalaang lungsod ay lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang Anti-Red Tape Authority upang isulong ang mga reporma at programa ng lungsod alinsunod sa Republic Act No. 11302 or ‘Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Ang paglulunsad ng e-BPLS at e-BOSS ay umaayon sa pagdiriwang ng ika-14 anibersaryo ng lungsod ng Navotas. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Maja Salvador Beautéderm Rhea Tan

Maja Salvador at Beautéderm CEO Rhea Tan may matibay na pinagsamahan, maalaga sa katawan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Maja Salvador na ang pagiging close nila ng Beautéderm founder …

Casino Plus Grand Jackpot Gut Feeling na nauwi sa pagkakasungkit ng ₱30M na Jackpot Prize

Casino Plus Grand Jackpot: Gut Feeling na nauwi sa pagkakasungkit ng ₱30M na Jackpot Prize

NASUNGKIT ng isang adult player mula Luzon ang tumataginting na ₱30,363,000 mula sa Casino Plus …

Maja Salvador Rhea Tan Beautéderm

Maja kinompleto ni Maria ang pagiging babae; Rhea Tan bilib sa pusong dalisay ng aktres  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MASAYANG-MASAYANG ibinalita ni Maja Salvador na naging makulay at exciting ang kanyang personal …

Casino Plus Makes History with ₱102.5 Million Jackpot – The Largest Online Baccarat Pay Out in Philippine History

Casino Plus Makes History with ₱102.5 Million Jackpot – The Largest Online Baccarat Pay Out in Philippine History

Manila, Philippines – March 24, 2025 – Casino Plus has set a historic benchmark for …

BingoPlus Marks its Third Anniversary in a Prestigious Power Gala

BingoPlus Marks its Third Anniversary in a Prestigious Power Gala

BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, will celebrate its upcoming third-year anniversary, entitled …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *