Saturday , November 16 2024
San Jose del Monte CSJDM Police

Ayaw magtrabaho, nagtulak ng ‘bato’ jobless na kelot nasakote

IMBES magsumikap at magbanat ng buto, pag­tutulak ng ilegal na droga ang ginawang hanapbuhay ng isang lalaki na nag­resulta sa pagkaaresto sa kanya sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 22 Hunyo.

Sa ulat mula kay P/Maj. Julius Alvaro, acting chief of police ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), kinilala ang suspek na si Bernardo Lugma, Jr., alyas Jonjon, 48 anyos, binata, walang trabaho, at residente sa B19 L1, Zone 1, Brgy. Muzon, sa naturang lungsod.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek ng operating units ng SJDM CPS na nagresulta sa kan­yang pagkakadakip at pag­kakakompiska ng dala­wang pirasong selyadong plastic sachet ng shabu na may timbang na 7.5 gramo at nagkaka­halaga ng P51,000.

Nabatid na kahit walang trabaho ang suspek ay nagbubuhay mayaman kaya sumailalim sa masu­sing surveillance hanggang maitala bilang top 9 drug personality ng nabanggit na lungsod.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *