1.78-M Covid-19 vaccine doses naihatid na ng Cebu Pacific sa buong bansa (31% sa mga piloto, crew nabakunahan na)
Higit sa 1.5 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang nailipad at naihatid na ng Cebu Pacific sa 15 pangunahing lalawigan sa bansa simula noong Marso 2021 hanggang sa kasalukuyan, kabilang ang mga lungsod ng Cebu at Roxas, sa Capiz bilang mga bagong destinasyon.
Kaugnay pa rin ito ng patuloy na pagtuwang ng Cebu Pacific sa layon ng bansang makapagbakuna ng 58 hanggang 70 milyong Filipino upang makamit ang herd immunity bago matapos ang taong 2021.
Noong nakaraang Huwebes, 17 Hunyo, nakapaghatid ang Cebu Pacific ng may kabuuang 14,040 Pfizer doses sa Bacolod at Roxas, at 14,480 Sinovac doses sa Tuguegarao kinabukasan, 18 Hunyo.
Nitong Martes, 22 Huno, inilipad ng Cebu Pacific ang mahigit 30,400 doses sa Cagayan de Oro, at higit 125,000 doses patungong Cebu, Cotabato, Dumaguete, Legazpi, at Zamboanga.
“We are happy to have reached another milestone in such a short period of time, which reflects significant progress in the Philippines’ vaccine distribution efforts outside NCR. We are keen to keep supporting our government through the safe and timely distribution of life-saving vaccines from abroad and across our Philippine network,” pahayag ni Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.
Ang mga ibiniyaheng bakuna ay nangangailangan ng istriktong handling guidelines kabilang ang paglalagak ng mga ito sa mga temperature-specific refrigerated container upang panatilihin ang bisa ng mga ito hanggang sa makarating sa kanilang mga patutunguhang istasyon.
Sa kasalukuyan, nakapaglipad na ang Cebu Pacific ng anim na milyong vaccine doses mula China, bukod pa sa 1.78 milyong doses na ligtas na naihatid ng airlines sa mga pangunahing 15 destinasyon sa bansa mula Maynila patungo sa Bacolod, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Cotabato, Davao, Iloilo, Legazpi, Masbate, Puerto Princesa, Roxas, Tacloban, Tuguegarao, Virac, at Zamboanga.
Bukod sa paghahatid ng mga bakuna, aktibo ding nakikipag-ugnayan ang Cebu Pacific sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay upang maturukan ang kanilang mga empleyadong nasa A4 category, na sa kasalukuyan umabot na sa 31% ng mga CEB line pilots at cabin crew ang nabakunahan.
Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang anim nitong biyaheng internasyonal.
Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter.