MATABIL
ni John Fontanilla
DEADMA lang si Nadine Lustre sa ginagawang pamba-bash sa kanya sa social media as long as hindi ang kanyang pamilya ang tinitira ng mga ito.
Pero ibang kaso na kapag pamilya na niya ang kinanti dahil talaga namang ipaglalaban niya ang mga ito.
Kuwento nito sa guesting niya kamakailan sa show ni Kuya Boy Abunda, ”As much as possible, I don’t really deal with the toxicity, it is very toxic.
“I must admit, there are so many people throwing hate and just saying whatever they want just to bring other people down.”
Dagdag pa nito na kapag nagpo-post siya sa social media ay beneficial sa kanyang mga loyal fans at social media followers.
Pag-amin pa ni Nadine, umabot siya sa punto na tumigil at nagpahinga sa social media dahil sa grabeng pamba-bash sa kanya at sa kanyang pamilya.
“At that time I don’t really have the courage to deal with it because before talaga I would see comments or messages from random people talking about my family, friends.
“It really hurts me, if it’s about me, I don’t really care, you can say whatever you want.
“It got to that point. I just couldn’t handle it then.”
Kayang mag-survive ni Nadine na walang social media pero kailangan niyang gawin ito para ma-update ang kanyang nga solid supporter sa kanyang mga ginagawa lalong-lalo na ‘pag patungkol sa kanyang trabaho.